Pumalag ang internet celebrity na si Zeinab Harake sa rebelasyon laban sa kanya ni Wilbert Tolentino. Matatandaan na ibinunyag ni Wilbert n...
Pumalag ang internet celebrity na si Zeinab Harake sa rebelasyon laban sa kanya ni Wilbert Tolentino.
Matatandaan na ibinunyag ni Wilbert na si Zeinab ang kanyang content manager at nilinaw na binabayaran niya ito.
Ibinahagi din ni Wilbert ang mga diumano’y masasamang sinabi ni Zeinab laban sa ibang sikat na influencer katulad ni Madam Inutz at Whamos Cruz.
Sa kanyang live video na umabot ng mahigit isang oras, inisa-isa ni Zeinab ang mga akusasyon laban sa kanya ni Wilbert.
“Ang dami doon ang hindi totoo.. ewan ko, hindi ko alam parang nararamdaman ko na hindi ko na dapat i-explain ang sarili ko pero kailangan kong gawin eto ‘yung mundo ko, eto ‘yung gusto nila,” aniya.
Itinanggi din nito na pinerahan niya si Wilbert dahil sa ginagawa niya naman ang kanyang trabaho kasama na ang pag-promote ng mga content ng talent manager.
Tinawag niya rin ni Zeinab na sinungaling ang 47-anyos na talent manager.
“Hindi totoo ‘yung mga sinasabi mo, sinungaling ka. Ang tanda tanda mo na nangaganyan ka ng tao, dapat hindi ka ganyan,” sabi ni Zeinab kay Wilbert.
Kaya pala ang sexy na niya!
Ibinahagi ni Beauty Gonzalez na ito ang isa sa nakatulong sa kanya para maging fit and healthy healthy tips: