Hindi mapigilan ni Andrea Brillantes na umiyak sa isang viral video kung saan pinag-usapan ang tungkol sa pinakabagong stream. Mapapansin...
Hindi mapigilan ni Andrea Brillantes na umiyak sa isang viral video kung saan pinag-usapan ang tungkol sa pinakabagong stream.
Mapapansin na kamakailan lamang ay gumawa ng mga headline si Andrea nang mag-stream ng kanyang laro sa Mobile Legends: Bang Bang.
Si Andrea ay nakaramdam ng kahihiyan sa kanyang kakayahan sa paglalaro dahil maraming tao ang nanood ng kanyang stream.
"Naiiyak ako, kuya. Kasi yung stream ko umabot ng 472k views, yung stream ko," saad ni Andrea
Ayon kay Andrea ay nais niyang ipahayag kung gaano ang kanyang kahihiyang naramdaman dahil sa kanyang performance na napakita sa paglalaro.
Gayunpaman ay nagpapasalamat si Andrea sa mga manonood.
"Gusto ko sabihin na nahihiya ako ng sobra pero thank you sa mga nanood, pero nahihiya ako ng sobra kasi hindi ako player tas lag pa ako."
"Siguro pinagtatawanan na nila ako, sinasabi na nila na bakit ba ako naglaro, buti na lang artista ka." dagdag sabi
Ipinaliwanag ni Andrea kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili na maiyak sa bagay na ito.
"Kaya ako umiyak kasi sobra akong nahihiya na yun yung napanood niyo kasi hindi talaga ako magaling, alam ko naman yun."
"Feeling ko lang pinagtatawanan ako ng mga tao kasi iba yung ways ng paglalaro ko, pang-feed lang ako."
Panoorin ang video: