Hanggang ngayon ay laman pa rin sa social media ang hindi pagkamabutihan ng celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Da...
Hanggang ngayon ay laman pa rin sa social media ang hindi pagkamabutihan ng celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Dahil sa mga 1syung kumakalat online ay hindi na rin makatiis ang ama ni Carla Abellana na si Rey Abellana.
Naglabas na ng kanyang prankang reaksyon ang ama ni Carla Abellana na si Rey "PJ" Abellana kaugnay sa umanoy pakikipag-one night stand ni Tom Rodriguez.
Sa kanyang naging guesting sa show ni Cristy Fermin ay dito na ibinunyag ni Rey at sinabi niyang nag-open up raw si Tom sa kanya tungkol sa pakikipag-one night stand.
Aminado rin siya na naranasan niya rin ang ganito noon.
"One night stand? Inaamin mo na nagkaroon ng one-night stand si Tom with another girl," tanong ni Fermin kay Rey
Tumawa lang si Rey at dito'y sinabi niyang:
“Inaamin ko na 'yan bilang ako, lalaki ako. Ako, way back, nangyayari din po iyan sa akin. E, medyo normal po iyan sa buhay ng mga lalaki." saad nito
“Kaya naiintindihan ko po 'yan. Ang nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin para sa akin. Bilang isang totoong tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa ganyang bagay, natural sa buhay 'yan 'di po ba.” dagdag sabi
“Oo, hindi krimen agad agad na maja-judge,” sabi ni Fermin
“May kasabihan nga po na ang isang tao ay mabibilanggo depende po sa bigat ng krimen. Kung mababaw na krimen at hindi po kinukulong iyan.”
“Pero kung mabigat na krimen ang kanyang atraso, iyon po ay ipakulong ang tao.”
Sari-saring komento naman ang hatid ng mga netizens kaugnay nito:
"I know normal talaga ang tukso but it's not normal kapag nagpadala ka sa tukso while you're already committed to someone. that is called respect! Kaya pala di ka kinakausap ng anak mo kasi agree ka sa One night stand para sayo ok lang?jusko ang sakit nun para kay Carla,kawawa naman sya."- Marga
"Nakuuuu very wronggg. Lagot na. Haha. I think Carla Abellana will be very upset." -Jayvee
"Omg. Ang ganda2 ni Carla tapos ang bait2 pa sana inisip nya muna ang kakalabasan bago sya gumawa ng karantaduhan. For how many year ganun3 nlng? I hope Carla is doing fine."
Panoorin dito ang video:



