Mainit na pinag-uusapan ngayon ang hidwaan ng Donekla Tandem. Agaw atensyon ang mga salitang binitiwan ni Donita Nose tungkol kay Tekla na k...
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang hidwaan ng Donekla Tandem.
Agaw atensyon ang mga salitang binitiwan ni Donita Nose tungkol kay Tekla na kung saan ay isiniwalat ni Donita na talagang nadur0g ang kanyang puso dahil sa mga ipinakitang ugali ni Tekla.
Marami sa mga fans ng Donekla tandem ang nagulat sa mga pangyayaring ito.
Ikinalungkot ng ilan ang paghihiwalay ng Donekla at ang matinding alitan ng dalawa.
Ngayon naman ay hindi mapigilan ng kaibigang si Boobay na magsalita na rin sa Donita-Tekla issue.
Diretsahang sinabi ni Boobay na nakaramdam siya ng awa para kay Super Tekla sa gitna ng pinagdadaanan nito matapos mabuwag ang DonEkla in Tandem.
Sa ginanap na story conference ng “Take Me To Banaue,” ditto ay nagsalita si Boobay kaugnay sa isyu.
Siya mismo ang nagpayo kay Tekla na ipagtanggol na nito ang sarili niya.
Matatandaang isa sa naging dahilan ng tuluyang paghihiwalay ng tirahan ng magkaibigang Tekla at Donita ay dahil umano sa katamaran ni Tekla. Para naman kay Boobay, hindi umano dapat puro iyon lang ang tinganan.
Ayon kay Boobay ay dapat umano’y isispin din ang naging ambag ni Tekla sa kanilang tambalan.
“Siguro, bigyan din ng ano… may black and white tayo, di ba? Sana, kahit papa’no, nabigyan din ng importansiya ang ambag dun ni Tekla sa samahan nilang dalawa (ni Donita). Hindi lang yung pagiging tamad niya, ganyan.”
Gayunpaman, ayon kay Boobay, mas magkakilala sina Donita at Tekla dahil nagkasama sila sa iisang bahay. “Ang makakakilala sa kanila… sila, nagsama sa isang bahay, so sila ang alam kung ano talaga yung ano,”
Anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito?Maari kang magbigay ng inyong opinyon kaugnay nito.