Viral ngayon ang video na kung saan ay naghatid ito ng luha sa mga netizens dahil sa nakakatouch na video na ito. Umani ng sari-saring kome...
Viral ngayon ang video na kung saan ay naghatid ito ng luha sa mga netizens dahil sa nakakatouch na video na ito.
Umani ng sari-saring komento ang ginawa ni Karen Davila sa isang driver na may kapansanan.
Sa bagong video ni Karen Davila na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel, nakapanayam niya ang driver na may Tourette Syndrome na si Marlon Fuentes.
Dito ay naging emosyonal ito lalo na nang inalala niya ang mga panahong hirap na hirap siyang maghanap ng trabaho.
Sa tulong ni Karen, nabiyayaan si Marlon at ang kanyang pamilya ng mga grocery items na aniya ay panimula niya para sa kanilang sari-sari store.
Bumili din sila ng lahat ng kagamitan para sa misis ni Marlon na gustong maging baker. Todo-todo ang pasasalamat ni Marlon at ng pamilya niya sa biyayang kanilang natanggap.
"Maraming Salamat po Ms.Karen sa maagang pamasko po sa amin ng pamilya ko, at sa puregold maraming maraming salamat din po tunay po na purong ginto po ang inyong puso ."
Talagang napaluha sa saya ang Pamilya ni Marlon sa ginawang tulong na ito ni Karen Davila. Maging ang netizens ay di rin maiwasang mapaluha sa mga nangyari.
Komento ng ilang Netizens:
Panoorin dito:
Anong masasabi mo kaugnay sa ginawang ito ni Karen? Huwag mag atubiling magbigay ng komento.