--> Aiko Melendez, Nasaktan at Isiniwalat ang Ginawa ng Kanyang mga Ka-Distrito na ito... | ChikaTime

Aiko Melendez, Nasaktan at Isiniwalat ang Ginawa ng Kanyang mga Ka-Distrito na ito...

Naiyak si Aiko Melendez, 45, sa viral video ng kanyang mga tarpaulin na tinanggal ng ilang tao sa Quezon City dahil umano sa maagang kampany...

Naiyak si Aiko Melendez, 45, sa viral video ng kanyang mga tarpaulin na tinanggal ng ilang tao sa Quezon City dahil umano sa maagang kampanya.

 


Nakunan ng video ang pangyayari at nakarating ito sa kanya na ipinost naman n’ya sa kanyang Instagram account.




Sa kanyang viral post, sinabihan ni Aiko ang iba pang kandidato na lumaban nang patas at huwag sumunod sa ilang utos na labag sa batas.



Ayon dito ay ang mga supporters daw kasi n’ya ang nagkusang maglagay ng tarp n’ya sa harap ng kani-kanilang mga bahay pero pinagtata-tanggal umano ’yon base sa utos umano ng mga taong nasa p’westo ngayon. 


“Paano tayo magiging mabuting leader ng QC kng nagbibigay tayo ng masamang ehemplo sa mga tao po. Hindi ung kakaunti na nga lang po ang tarpulins ko binabaklas nyo pa po. Na kusang nilalagay ng mga taong sumusuporta sa akin tinatanggal nyo pa po,” saad ni Aiko


“Dahil ba kayo ang naka upo? Dahil kayo ang makapangyarihan sa barangay Kaligayahan? Dahil kayo ang asa administrasyon?” dagdag sabi nito


Sinabi pa ni Aiko na pare-pareho lang naman daw sila ng goal at ’yon ay ang makapag-serbisyo sa publiko kaya sana daw ay lumaban ang mga ito nang tama. 


“Sana naman po lumaban po tayo ng patas po,” aniya. “Nakuhaan po namen ng video ang L300 na nagbabaklas utos daw ng kinauukulan.


“Sana lumaban po tayo ng patas. Kasi kandidato naman tayo pare parehas na gustong maglingkod at magpakita ng magandang ehemplo sa Quezon City.”



Nagbigay din ng mensahe si Aiko sa kanyang mga ka-distrito, 

“Sa mga ka distrito ko na inuutusan ng mga me kapangyarihan sa posisyon para magtanggal ng tarpulins ko, Pag mali po ang utos wag sundin dahil labag po yan sa batas. Laban lang po parehas.”