Talagang supalpal at binanatan ng mamamahayag na si Ben Tulfo si Vice Ganda dahil diumano sa post ng komedyante tungkol sa mga taong laging ...
Talagang supalpal at binanatan ng mamamahayag na si Ben Tulfo si Vice Ganda dahil diumano sa post ng komedyante tungkol sa mga taong laging nagbabahagi ng ‘bible quotes’ ngunit sumusuporta naman umano ito sa mga ‘magnanakaw’.
Sa kanyang programang Ben Tulfo Unfiltered ibinahagi ni Tulfo ang kanyang maanghang na mensahe para sa komedyante.
Ayon kay Tulfo ay hindi maganda ang naging mensahe ni Vice lalo na sa mga taong may pananampalataya katulad niya.
“Vice Ganda, kung nakikinig ka at kung sinuman ang mga alipores mo, chuwari-wariwap mo, sa mga palabas mo, para sa ‘yo ‘to.
“Nabubuhay ho kami doon sa mga bible verse na pinanindigan ho namin. Hindi ho kami basta nagpo-post nang hindi ho namin pinaniniwalaan,” ani Tulfo.
Tinawag pa nitong ‘balimbing’ at ‘dilawan’ si Vice dahil narin daw sa bigla nitong pagbabago ng sinusuportahan.
“Dilawan ka kasi, dilawan na balimbing, dati sinusuportahan mo ang Pangulong si President Duterte,” ani Tulfo.
“Sa huli masama ang loob mo dahil napasara ang ABS-CBN,” dagdag niya pa.
Sinasabi pa nito na tila sumisipsip si Vice sa oposisyon para magkaroon sila ng pagkakataon na maibalik ang ABS-CBN sa telebisyon.
Kinakatakutan din daw ni Vice na maupo sa pwesto ang isa nanamang Duterte at Marcos dahil baka daw magpatuloy ang pagkawala ng ABS-CBN sa ere.
Sa mga sumunod na episode naman ng kanyang programa ay itinanggi ni Ben na sumasakay lamang siya kay Vice.
Panoorin: