Marami sa mga netizen ang nainis sa ginawa ng isang guro na kung saan ay sinabihan ang estudyante na magdrop na lamang kung wala itong lap...
Marami sa mga netizen ang nainis sa ginawa ng isang guro na kung saan ay sinabihan ang estudyante na magdrop na lamang kung wala itong laptop.
Talagang naging usap-usapan ngayon ang isang audio recording ng pahayag ng isang hindi pinangalanang guro kung saan inudyukan nito ang estudyante na mag-drop na lamang kapag walang pabili ng laptop.
Sa isang post ng Facebook user na kilala bilang si Vergie Rondain Benlot, dito ay ibinahagi niya ang naging sagot ng guro sa kanyang tanong kung ano ang gagawin kung walang pambili ng laptop.
Saad ng post ng estudyante:
Kasalanan ba ng magulang namin wala kaming pambili ng laptop? Wag mo nalang po idamay parents namin, hindi rin nakapasok sa gmeet idrop agad? Sir mahirap po ang buhay ngayon
Sa ngayon ay hindi na mahagilap sa ang orihinal na Facebook post ng estudyante ngunit marami na ang nakakuha ng kopya kaya kumalat ito.
Marami sa mga netizens ang nainis sa gurong ito at talagang dismayado sa ipinakitang ito ng guro.
Reaksyon ng ilang Netizens:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling magbigay ng komento.