--> Rebelasy0n ng Yaya ni Maine Mendoza tungkol sa aktres, Trending Online | ChikaTime

Rebelasy0n ng Yaya ni Maine Mendoza tungkol sa aktres, Trending Online

Inilahad ng Yaya ng Maine Mendoza ang mga bagay na ito tungkol sa host ng Eat Bulaga sa kasalukuyang yugto ng sikat na segment na Bawal Judg...

Inilahad ng Yaya ng Maine Mendoza ang mga bagay na ito tungkol sa host ng Eat Bulaga sa kasalukuyang yugto ng sikat na segment na Bawal Judgmental.


Si Maine ay naging bahagi ng longest-running noontime show ang nagbukas ng pintuan para sa kanyang showbiz career. 


Dahil dito ay sumikat siya at hanggang ngayon ay bahagi siya ng palabas na Eat Bulaga.

Sa Bawal Judgmental, isa sa mga napili ay ang Yaya ng Maine Mendoza.

 Dito ay napag alaman na si Yaya Perly ay naglilingkod na sa pamilya Mendoza bago pa man ikasal ang ina at ama ng aktres-host na si Maine.


Later on, si Yaya Perly din ang nag-alaga kay Maine at sa kanyang mga kapatid at inaalagaan pa rin niya sila hanggang ngayon. 


Tinanong ang yaya kung napansin na niya noong bata pa si Maine na mayroon siyang hilig sa showbiz. 

Ito ang pagbubunyag ng yaya.


“Oo, mahilig nga po siyang humarap sa salamin, mag-arte-arte. Pero tahimik naman po siya, lagi lang pong nasa kwarto, ”pahayag ni Yaya Perly.


Maliban dito ay inihayag din niya na hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago si Maine kahit na isa siya sa mga sikat na artista ngayon.


“Hindi naman ho siya nagbago, tahimik pa rin po siya, may malambot na puso,” she said. 


Sa isang video message , nagpasalamat si Maine Mendoza sa kanyang yaya. 

“Hello Pe, surprise! oh ako lang ‘to. Gusto ko lang magpasalamat Pe’ sa lahat ng ginagawa mo para sa amin, grabe 35 years ka na pala naming kasama,” saad nito