--> Enchong Dee, Deretsahang Nagsalita Tungkol sa Ginawa ni Bea Alonzo sa ABS-CBN... | ChikaTime

Enchong Dee, Deretsahang Nagsalita Tungkol sa Ginawa ni Bea Alonzo sa ABS-CBN...

  Hanggang ngayon ay mainit parin na pinag-uusapan ang ginawang pag-iwan ni Bea Alonzo sa ABS-CBN  at ang biglaang paglipat nito sa kabilang...

 

Hanggang ngayon ay mainit parin na pinag-uusapan ang ginawang pag-iwan ni Bea Alonzo sa ABS-CBN  at ang biglaang paglipat nito sa kabilang network na GMA.

Marami sa mga celebrity ang hindi inakala na magagawa ni Bea ang lumipat sa ibang network dahil maganda naman ang career nito sa ABS.

Maging ang kanyang matalik na kaibigan sa showbiz na si Enchong Dee ay hindi rin inakala ang ginawang paglipat ni Bea.



Sa recent interview ng actor na si Enchong Dee kasama ang kaibigan niyang si Joshua Garcia ay tinanong ang actor tungkol sa kaibigan niyang si Bea Alonzo na  lumipat sa kapuso network.


Ayon kay Enchong, hindi raw aspeto sa  kanilang pagkakaibigan ang tungkol sa kanilang career, kaya wala raw siyang idea sa paglipat ng actress.

"Never kasi naging aspeto ‘yung pagiging magkaibigan namin. That’s why bilang kaibigan, you just have to be there to support her. Bawa’t isang artista may kanya-kanyang karera. Sa sarili ko pa lang, pagod na pagod na ako so hindi ko na yata maasikaso yung karera nya."


"The best thing is to support each and every one. Every one has their own has their own reasons. Hindi talaga niya naikuwento."



Nang tanungin naman ang actor kung namimiss ba niya si Bea: 

"Pwede ko naman puntahan siya kung na-mimiss ko siya."


Panoorin dito ang  interview:



 

Alam natin na napakatagal na naging Kapamilya star si Bea Alonzo,kaya naman ay hindi inaasahan ang kanyang biglaang paglipat sa kabilang network lalo na sa kanyang mga fans. 

 

 Ikaw,anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.