Sa programang Magandang Buhay na kinabibilangan nina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Carla Estrada ay naging panauhin nila ang kapami...
Sa programang Magandang Buhay na kinabibilangan nina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Carla Estrada ay naging panauhin nila ang kapamilya star na si Erich Gonzales.
At sa pakikipag panayam nila dito ay hindi napigilan ni Melai Cantiveros ang maibahagi ang naging karanasan niya noong makasama si Erich.
Pinuri nito si Erich lalo na umano sa pagiging mabuti nito sa mga kaibigan niya dagdag pa ang pagiging generous nito, ibinahagi nito ang pangyayari noong nagsama sila para sa seryeng “Two wives” at pelikulang “I Do”.
“Ay, sobra ang experience ko diyan (kay Erich). Lahat ng mga gamit niya, ‘Mels, sa iyo na ito.’ Yung parang ‘ang ganda naman niyan.’ ‘Sa iyo na ‘yan.’
‘Ano ka ba Ers, nagandahan lang ako.’ ‘Mels, dito ka sa dressing room ko,” panimulang pagbabahagi ni Melai.
“Naalala mo ba Ers dati na parang nag-offer-offer ka pa sa akin, may mga offer ka sa akin na bahay. Sabi niya, ‘Sige na ako bahala, ano ba kailangan mo?’
“‘Ers, alam mo magkaibigan tayo pero hindi ako ganyan, ayaw kong gamitin ba na ganoon ba.’ Ito talaga (si Erich) grabe ka-generous,” dagdag pa nito.
“Sobra ka talaga na magiging kontento ka sa kanya pa lang. At si Erich kasi kapag siya ang mag-choose ng friend niya talagang hindi ka na niya titigilan. Talagang susundan at susundan ka na niyan,” ani pa ni Melai.
Ipinaliwanag naman ni Erich kung bakit nya ito ginagawa lalo pa at mahirap magtiwala sa panahon ngayon.
“Kumbaga quality talaga over quantity. Alam natin mahirap talaga magtiwala hindi ba? Pero for me once na naibigay ko ‘yung tiwala, gagawin ko talaga lahat to keep that friendship, alagaan ‘yon.
“Kasi rare rin naman ‘yung mga tao na nakagaanan mo ng loob na alam mong you can trust also,” paliwanag pa ni Erich.
Samantala kasalukuyan na ngayong umeere ang ang comeback serye ni Erich Gonzales na ‘La Vida Lena’ 10PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live at maaari ring i catch up sa iWant TFC.
Panoorin ang video na ito:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.