Talaga nga namang hindi napigilang maiyak ni Ethel Booba matapos niyang akalaing nakabasag siya ng mug na nagkakahalaga nang 378,000 pesos...
Talaga nga namang hindi napigilang maiyak ni Ethel Booba matapos niyang akalaing nakabasag siya ng mug na nagkakahalaga nang 378,000 pesos.
Sa vlog na ito ay magkasama sina Ethel at ang kanyang kumare at dito ay ipinakita nila ang koleksiyon ng mamahaling mugs na siyang ginagamit sa nasabing cafe.
Binalak ni Ethel na i-prank ang kanyang kumare sa pamamagitan ng pagbasag ng isang pekeng mug na kamukha ng tunay na mug nila.
Gayunpaman, makikitang sobrang nabahala si Ethel nang sabihin ng kumare niya na tunay ang basong kanyang nabasag.
Ani Ethel babayaran na lamang nila ang basong nabasag niya.
Napaupo si Ethel nang mapagtantong malaki ang halaga ng kanyang nabasag.
Makikita sa video na talagang umiiyak sa Ethel sa nagawa niyang pagkabasag sa mug.
Panoorin ang buong pangyayari:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.