Talaga namang hindi napigilan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang maiyak nang marinig ang message sa kanya ng mga canc3r patient at ...
Talaga namang hindi napigilan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang maiyak nang marinig ang message sa kanya ng mga canc3r patient at scholars na tinutulungan niya.
Si Angel ang celebrity na kilala sa pagiging matulungin nito sa kapwa kababayan lalo na sa mga lubos na nangangailangan.
Matatandaan na si Angel ay isa siya sa mga Heroes of Philanthropy ng Forbes Asia.
Talaga namang itong si Angel ay likas na sa kanya ang tumulong sa marami lalo na sa mga nangangailangan.
Bukod sa kanyang napakaraming donation drives, si Angel ay mayroon din mga pinapaaral na scholars.
Sa katunayan, itong mga scholars niya ay lumalaban din sa sakit na c4ncer.
Sa isang episode ng kanyang show, Iba ‘Yan, hindi alam ni Angel na may inihandang party pala sa kanya ang mga staffs at si Angelica.
Dito ay isa-isang bumati kay Angel ang mga ito sa nakaraang episode ng programa niyang “Iba Yan” at nagpasalamat sa pagmamahal at patuloy na pagtulong sa kanila sa loob ng maraming taon.
Nagsilbing host naman si Angelica para sa birthday party ng kaibigan.
Naging parte naman ng pagbati ang mga scholars ni Angel. Sa isang video compilation, nagpasalamat ang mga ito at nag bigay ng mensahe para sa aktres.
Sa video, bumati ang mga personal beneficiaries na nasa C4ncer Warriors Foundation, kasama na din ang mga scholars niya sa Bukidnon.
“Sana marami pa kayong matulungan na mga tao na katulad naming nangangailangan. Salamat sa pagtulong sa amin,” sabi ni Maynard Darang na isang c4ncer patient.
Sa puntong ito, hindi na napigilan ng aktres na maiyak nang makita ang kanyang mga tinutulungan. Ngunit inamin ni Angel na nabawasan na ang kanyang mga scholars.
“Actually, nahihiya ako sa kanila, kasi ‘yung mga scholars natin sa Bukidnon, marami sila dati. Simula noong nawalan tayo ng franchise (ng ABS-CBN), hindi ko na mabigyan lahat,” ani Angel.
“Iilan na lang sila ngayon. Kaya medyo hindi ako makapagpakita sa kanila, kasi nahihiya ako, kasi ‘yung commitment ko, hindi ko na maibigay sa kanila."
“Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, kasi parang feeling ko kulang pa,” saad ni Angel
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.