Naging usap-usapan ngayon sa social media ang pagiging isang protective tito ni Richard Gutierrez sa kanyang pamangkin na si Lorin Bektas. ...
Naging usap-usapan ngayon sa social media ang pagiging isang protective tito ni Richard Gutierrez sa kanyang pamangkin na si Lorin Bektas.
Ito ay matapos hindi mapigilang pagsabihan ni Richard Gutierrez ang kanyang pamangkin na si Lorin Bektas anak ni Ruffa Gutierrez dahil sa suot nito sa kanyang latest post sa Instagram.
Sa post ni Lorin, makikitang nakasuot ito ng swimming attire at naka shorts. Gayunpaman, nakabukas ang kanyang shorts kaya nakikita ang bahagi ng kanyang pambabang swimming attire.
Kaya naman ay pinagsabihan ito ni Richard dahil ayaw raw nitong pagpiyestahan ng mga kalalakihan.
"Cover yourself. I don’t want any of these guys checking you out.": sabi ni Richard
Maging ang kanyang ina na si Ruffa ay nagreact din at sinabi nitong:
"Nag-shorts ka pa!"
Anong masasabi mo sa ginawang ito ni Richard? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.