Isang ama ang hinangaan ngayon ng mga netizens dahil sa walang katumbas na pagpakah1rap sa pagsasaka matapos lang sa pag-aaral ang walong...
Isang ama ang hinangaan ngayon ng mga netizens dahil sa walang katumbas na pagpakah1rap sa pagsasaka matapos lang sa pag-aaral ang walong anak nito.
Sa kabila ng hirap ng pagsasaka ay talagang hindi tumigil ang ama na ito para mairaos ang pamilya niya. At dahil sa pagsasaka, naigapang niya ang pag-aaral ng walong mga anak niya.
Kaya naman malaki ang pasasalamat sa kanya ng kanyang mga anak.
Isa sa kanila ay si Jovy Cataraja-Albite, na isa sa mga anak na babae ni Tatay.
Ibinahagi ni Jovy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga magulang. Ayon kay Jovy, kung hindi dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang ay hindi nila makakamit ang tagumpay ng mga kapatid niya.
Si Jovy ang panganay sa walong magkakapatid. Hindi naging madali ang buhay nila dahil na rin sa kahirapan. Gayunpaman, tinuruan si Jovy ng kanyang nanay at tatay na magpursigi upang mabago ang kalagayan nila. Parehas na nagsasaka sa bukid ang mga magulang nila.
At dahil sa pagsasaka, unti-unting napagtapos nila Tatay ang kanilang mga anak. Kahit na magkandakuba siya sa kaka-trabaho, hindi niya ito iniinda dahil ang mahalaga ay ang kinabukasan ng pamilya niya. At sa huli ay nasuklian naman ang mga sakripisyo nito.
Nakakaproud talaga ang magulang na ito na ngayon ay mayroon na siyang mga anak na nagtapos ng iba’t-ibang kurso.
Mayroong marine, nurse, pulis, accounting staff, civil engineer, architect ,teacher, at nautical.
Talagang nakakamangha isipin kung paano nairaos ni Tatay na pagtapusin ng iba’t-ibang kurso ang mga anak niya.
Napakaswerte na rin ni tatay sa kanyang mga anak dahil hindi nasayang ang kanyang paghih1rap.
Reaksyon ng ilang Netizens:
Talaga nga namang nakakaproud ang ganitong mga magulang na talagang iniisip ang kapakanan ng mga anak.
Sana ay marami pang mga magulang at anak ang ma inspire sa kwentong ito.
Panoorin ang ibang detalye:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Huwag mag atubiling mag iwan ng komento.