Kamakailan lamang ay naging viral ang pangyayaring naganap sa West Philippine Sea na kung saan ang ABS-CBN News team ay hinabol umano ng C...
Kamakailan lamang ay naging viral ang pangyayaring naganap sa West Philippine Sea na kung saan ang ABS-CBN News team ay hinabol umano ng Chinese Coast Guard.
Ngayon naman ay agad na pinag-usapan at nag-viral ngayon sa social media ang video kung saan ay ating makikita na hinamon ng aktor na si Robin Padilla ang mga senador at mga artista na vocal tungkol sa nangyari sa West Philippine Sea na samahan siya papunta sa nasabing Isla.
“Tutal napakadaming matapang. Naririnig mo. Eto may mga politiko. Si Senator Kiko Pangilinan, ex-Justice (Antonio) Carpio, Jim Paredes, Senator (Risa) Hontiveros, si idol, si 10,000 hours Senator (Ping) Lacson. May mga iba artista pa at singers. Eh, kung talaga pong matapang kayo, eh, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin yung militia nung mga Chinese. Pumunta tayo doon, lumayag tayo, mangisda tayo doon. Tumambay din tayo roon kasi atin eto,” saad ng aktor sa kanyang facebook
“Wala pong mangyayari kung dito tayo sa kalagitnaan ng pandemya, dito tayo lahat nagbabangayan sa Pilipinas, eh nandoon ang problema,” pahayag pa ng aktor
"Ang kailangan natin militia doon. Ang kailangan natin, tumambay din tayo doon,” sabi pa nito
“Ngayon nyo sabihin sa akin yan, kaya nyong magsakripisyo para sa teritoryo natin.”
Ayon pa kay Robin, seryoso raw ang hamon niyang ito.
"Yung aking pong alok sa inyo ay seryoso. Ako po, pina-public ko eto para hindi tayo nagbobolahan lang,” saad aktor
Panoorin ang video na ito:
Anong masasabi mo sa sinasabing ito ni Robin Padilla? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.