Isa ka rin ba sa mahilig mag shopping online? Sa panahon natin ngayon ay tili marami ng mga negosyo online. Bawat kompanya ang may kanya-...
Isa ka rin ba sa mahilig mag shopping online? Sa panahon natin ngayon ay tili marami ng mga negosyo online. Bawat kompanya ang may kanya-kanyang sariling diskarte upang makakuha ng mga customers.
Talagang hindi ikakaila na pabor sa mga customers ang pagkakaroon ng pa promo o vouchers para makatipid sa babayaran .
Ang vouchers ay nakapagbibigay ng diskuwento sa order o shipping fee. At kapag sinusuwerte ka, halos wala ka nang babayaran.
Ngunit sa kabila pala nito ay may hindi magandang epekto para sa mga delivery riders lalo na sa mga delivery riders ng Food Panda.
Agad na nag viral ang post na ibinahagi ng isang kapwa delivery rider na si Clark Kirbyancy Cenon Abad na nasuspinde ang kasamahang rider dahil umano sa sunud-sunod na maliliit na halaga ng tinanggap nitong orders.
At dahil sa pangyayaring ito ay may panawagan siya sa mga customers.Ang panawagan niyang ito ay nag viral.
Clark.
“Di po ako against sa bentahan ng voucher n’yo pero sana naman po gumamit kayo ng voucher kung malaki-laking halaga ang bibilhin n’yo. Hindi ‘yung mag-voucher kayo para halos makalibre na kayo ng lalamunin n’yo.”
Dahil sa mga salitang kanyang mga nabitiwan ay humingi siya ng paumanhin sa pananalita niyang ito.
“Sorry for the word pero sana maintindihan n’yo. SANA PO KUNG DI KAMI KAYANG UNAWAIN NI FOOD PANDA SANA KAYO NA LANG PO MAKAUNAWA SA’MING MGA RIDER NG FOOD PANDA. Uulitin ko po hindi po ako against sa bentahan ninyo ng voucher pero please!!” dagdag niya.
Sa larawan na in-upload niya ay makikitang apat na order na pinickup ng rider ang may halagang Php 3.00 lamang.
Sa isa pang larawan, nakasaad naman ang compliance notice na nagsasabing suspendido ang rider ng dalawang araw dahil nagkaroon siya ng maraming orders na may maliliit na order values at pinagdududahang pang-aabuso ito sa kanilang sistema.
Kapag mauulit pa raw ito, maaaring ma-term1nate na ang rider.
Marami sa mga netizens ang napakomento sa bagay na ito. Ang ilan ay naawa sa rider na nasupende at ang ilang naman ay sinisisi ang Food Panda dahil hindi naman kasalanan ng rider kung maliit lang ang halaga ng binabayaran ng customers.
Reaksyon ng ilang Netizens:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Isa ka rin ba sa mahilig gumamit ng mga vouchers? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.