--> Hugis "Dolphin" na Halaman, Agaw Atensyon Ngayon Dahil sa Kakaiba Nitong Katangian! | ChikaTime

Hugis "Dolphin" na Halaman, Agaw Atensyon Ngayon Dahil sa Kakaiba Nitong Katangian!

    Sa panahon natin ngayon ay marami na sa atin ang napahilig na sa pag-aalaga ng halaman. Lalo na ng magkaroon ng pandemya ay ito na ang n...

 

 

Sa panahon natin ngayon ay marami na sa atin ang napahilig na sa pag-aalaga ng halaman. Lalo na ng magkaroon ng pandemya ay ito na ang naging libangan ng karamihan. Sila yung tinatawag na mga plantito’s at plantita’s



Maraming mga uri ng halaman ang maaring makita natin at mapamangha tayo, gaya na lamang ng mga kilalang succulents na hugis kuneho at iba pa. 



Ngayon naman ay usap usapan ang kamakailan lang  na natagpuan na bagong uri ng succulent na dahil sa taglay nitong kagandahan.


Ang pinakahuling succulent na naimbento na talaga namang pumasok sa headlines ay ang Senecio Peregrinus o uri ng succulent na hugis dolphin ang mga dahon.

 


Ang unique na succulent na ito ay isang uri ng hybrid na candle plant at ng String Pearl Vine. Ang resulta ay ang kamangha manghang hugis crescent moon na dahoon na tila may fin sa gilid nito na nagmukha itong dolphin. Kaya naman ang dahon na ito ay inihalintulad talaga sa mga dolphin na tumatalon sa tubig.

Ang Senecio Peregrinus String ng Dolphins ay isang natatanging succulent, ang bawat may arko na dahon ay lumalaki ng dalawang maliliit na puntos na ginagawang hindi pangkaraniwan ang halaman na ito tulad ng isang pod ng mga frolicking dolphins. 

Maaari itong lumaki hanggang sa 36 ″ (91 cm) ang haba.


Ang kagandahan sa halaman na ito ay nanatili ito sa kaniyang hugis dolphin na anyo kahit ito ay lumalaki na. Hindi katulad ng ibang succulent halimbawa na hugis kuneho na succulent o mas kilala sa pangalan na Monilaria Obconica na tila hugis kuneho ito kapag maliit ito at patubo at nawawala ang pagkakuneho na itsura nito habang ito ay lumalaki. 


Hindi katulad ng Senecio Peregrinus na kahit na gaano pa ito lumaki ay hugis dolphin talaga.

Dahil dito ay maraming mga netizens ang natuwa dahil sa nakakaaliw na bagong diskubre na ito na maaring mailagay na palamuti sa bahay kung sakaling makabili ka nito.




 
 
Anong masasabi mo kaugnay nito?