Si Heart Evangelista ay isang sikat na artista, endorser, at vlogger sa Pilipinas na ikinasal sa pulitiko na si Chiz Escudero, ang kasaluk...
Si Heart Evangelista ay isang sikat na artista, endorser, at vlogger sa Pilipinas na ikinasal sa pulitiko na si Chiz Escudero, ang kasalukuyang gobernador ng Sorsogon.
Muling binalikan ng aktres na si Heart Evangelista ang kanyang mga ala-ala noon sa kanyang pagsimula ng showbiz carreer.
Inihayag ng Kapuso star kung paano siya sumang-ayon at gumawa ng isang daring pictorial dahil sa ginawa ng kanyang ina na si Cecilia Ongpauco.
Nagpatuloy ang pagbabahagi ng aktres sa kanyang social media ng maraming mga larawan mula sa kanyang mga daring photos sa nakaraan na sinabi niyang halos "pumat@y" sa kanya dahil sa stress na inilagay nito sa kanya.
Sa kanyang kauna-unahang post, ibinahagi ni Heart ang larawan niya na siya ay nagsuot ng sexy lingerie para sa kanyang pictorial ng Tanduay.
Dito ay inihayag ni Heart na ang kanyang mga pera ay kinukumpiska ng kanyang ina na si Cecilia Ongpauco na naging dahilan kung bakit sumabak ang aktres sa mga daring pictorials.
"I can't believe I did this haha. #Tanduay shoot 2014. My mom confiscated my money so I needed to do this. Haha hirap kumita," saad ng aktres
Sa isa pang post ay nagbahagi ulit si Heart ng ilan pa niyang mga larawan na nakasuot ng mga daring swimsuit.
Nai-tag din niya ang propesyonal na photographer na si BJ Pascual at tinanong kung naaalala niya ba ang mga larawang ito,
"Remember this? Mam@tay ako sa stress!"
Nag-upload din si Heart ng tila isang larawan ng kanyang sarili sa isang dressing room na mukhang malungkot siya at naiiyak.
"Sad eyes. Stressed. Literally wanted to cry here. Hahaha what an experience!" saad ng aktres
Sa kabila nito, na-upload din ni Heart ang kanyang paboritong larawan mula sa kanyang mga daring pictorial noong nakaraang araw.
"This was my favorite but it wasn't too sexy - so they didn't like it I think! Haha (more me).
"Looking back? Glad I did it. Won't do it again though," pagbabahagi nito
Anong masasabi mo kaugnay sa ibinahaging rebelasyon ng aktres? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komentp.