Nag viral ngayon ang isang post ng netizen na kung saan ipinakita nito ang kakaibang pagtulong sa taong may kapansanan na kumakanta at tum...
Nag viral ngayon ang isang post ng netizen na kung saan ipinakita nito ang kakaibang pagtulong sa taong may kapansanan na kumakanta at tumutugtog para siya ay kumita ng pera.
Ang pangyayaring ito ay nasaksihanng netizen na si Ruel Quinones at naisip niyang karapat-dapat itong malaman ng iba kaya ibinahagi niya ito sa kanyang social media.
Batay sa kanyang post, bumaba raw siya ng taxi para dumaan sa Mercury Drug ng Divisoria dahil may bibiilhin siya nang makarinig siya ng kumakantang babae na may napakagandang boses.
Ayon sa kanyang kwento ay madalas ang matandang lalaking bulag ang kumakanta roon ng Tagalog songs pero nang gabing iyon, iba ang kumanta para sa kanya.
Napatigil umano si Ruel dahil sa ganda ng boses nito. Naisipan niyang kunin ang kanyang cellphone upang i-video ang babaeng kumakanta na tinutugtugan naman ni kuya.
Matapos ang pag-awit, tinanong niya ang babae kung kaanu-ano nito si manong.
“Wala ra sir. Gusto lang nako siya tabangan…” sagot ng babae.
Hindi raw nito ka anu-ano si manong. Nais lang daw niyang tumulong. Naantig si Ruel. Napadukot siya ng P100 sa pitaka at inilagay sa kahon ni manong.
Hindi lamang siya ang nagandahan sa boses ng babae kundi pati ang ibang tao doon.
Nag request pa raw umano ng kanta ang ibang nanonood kay ate.
Nalaman niyang Regine ang pangalan ng babaeng may magandang boses ang puso dahil sa pagtulong sa matanda.
“La lang, I just feel like it’s worth sharing,” paglalahad ni Ruel.
Isang netizen ang nagkumento sa ibinahagi ni Ruel at sinabi na aktibong miyembro pala si Regine Carpio sa music ministry ng Acdo Oasis of Love Community at isa rin siyang pinagkakatiwalaang miyembro ng Alto’s in Singers for Christ Choir sa Metropolitan Cathedral.
Reaksyon ng ilang Netizens:
Anong masasabi mo sa ginawang pagtulong ng isang babae na ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.