Laman ngayon sa social media si Spokesperson Pialago matapos niyang binanatan si Doris Bigornia. Ito ay tungkol sa umano'y hindi kulang...
Laman ngayon sa social media si Spokesperson Pialago matapos niyang binanatan si Doris Bigornia. Ito ay tungkol sa umano'y hindi kulang na report ng ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia kaugnay sa “pagbubukas” ng dalawang U-turn slots sa EDSA na lumikha umano ng kalituhan.
Dahil sa maling pag rereport ay balak na ngayon ni Pialago na tuluyang sampahon ng kaso si Bigornia matapos ipalabas sa TV Patrol ang ulat na tungkol sa pagdulot ng kalituhan ang pagbubukas ng U-turn slot sa Darrio Bridge.
Ibinahagi sa nasabing report ang screenshot sa Viber group ng MMDA kung saan sinabi ni Pialago na bukas ang naturang U-turn slot pati ang sa harapan ng Quezon City Academy.
Ayon kay Spokesperson Pialago, ay putol umano ang mensaheng inilabas sa ulat na ito na kuha mula sa kanyang naging pahayag sa Viber group na tanging emergency vehicle lang ang papayagan sa Darrio Bridge.
“Kanina sa report mo sa TV Patrol. Ako ang nagsabe na bukas na ang darrio bridge u turn, yes! pero hindi mo nilabas sa TV ang buong laman ng GC, nakalagay bukas yun sa emegency vehicles,” saad ni Pialago sa kanyang Facebook post.
Dito ay hindi na nakapagt1mpi at tinawag din niyang demonyo si Bigornia at binantaang tutuluyan niya na ito.
"This time kapag dinemanda kita, tutuluyan kita Miss Doris Bigornia. Isasama ko yung pagsugod mo sa opisina ng MMDA para awayin ako, uulitin ko, pumasok ka sa opisina namin, sa sarili naming tahanan, para awayin ako, ganun ka ka adik. Maghintay ka."
Dahil sa mga pangyayaring ito ay talagang maraming netizen ang nagulat at napakomento sa isyung ito.
Reaksyon ng ilang Netizens:
Narito ang naturang Post:
Anong masasabi mo kaugnay nito?