Sa hirap ng buhay natin ngayon ay sadyang may mga taong handang gawin ang lahat para sa pera. May mga taong talagang handa sila sa anumang b...
Sa hirap ng buhay natin ngayon ay sadyang may mga taong handang gawin ang lahat para sa pera. May mga taong talagang handa sila sa anumang bagay na ipapagawa sa kanila kapalit ang pera para sila'y mabuhay.
Agaw pansin sa social media at maraming netizens ang naiiyak sa kwento ng matandang ito na kung saan ay handang gawin niya ang ipapagawa sa kanya kapalit ang pera kahit pa man ay ito'y ikasisira ng kanyang dignidad.
Ang matandang lalaki na ito ay nagtitinda ng mga gulay at prutas para may maiuwi lamang na pantustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Isang YouTuber na si “Jose Hallorina” ang nakapansin sa matandang ito. Dito ay ibinahagi niya sa kanyang vlog na nakita umano nila ang isang matandang lalaki na nakaupo at nakayuko sa tabi ng kaniyang kariton na naglalaman ng mga paninda niyang prutas at gulay.
Dito ay nilapitan ng youtuber ang matanda na namamahinga umano dahil sa pagod sa paglalako at ina-antok ito.
Ayon sa kwento ng matanda, wala pa daw siyang tulog o kahit pahinga man lang. Alas kwarto kasi ng umaga ay umalis na siya sa kanilang bahay para mamalengke at dumiretso na agad sa paglalako ng kaniyang mga panindang gulay at prutas.
Ang matandang ito ay kinilala bilang si Tatay Danilo. Ang kapital daw niya sa kaniyang pagtitinda ay nasa P3,000. Alas otso ng umaga daw siya nagsisimulang magtinda at alas otso din ng gabi nauubos ang kaniyang mga paninda.
Sa isang araw ay halos 16 hours na nagtatrabaho si Tatay Danilo.Kahit pa man napapagod si tatay ay tinitiis niya ang lahat para sila ay mabuhay.
Matapos malaman ang kwento ng buhay ni Tatay Danilo, nag-alok naman ang vlogger na bibigyan niya ng P3,000 ang matanda para makauwi na ito at makapagpahinga na sa kanilang bahay ngunit sa isang kondisyon – ito ay kailangan niyang halikan ang paa ng vlogger.
Nang tinanong ng youtuber kung papayag ba si tatay na bibigyan siya ng pera kung hahalikan nito ang paa ay agad namang pumyag ang matanda.
Makikita natin sa video na hinubad ng vlogger ang kaniyang sapatos at medyas. Sinabi niya na siya ay bibilang ng tatlo at saka hahal1kan ito ng matanda.
Ngunit, nang kukunin na ng matanda ang kaniyang paa, bigla na lamang binaba ng vlogger ang kaniyang paa at sinuot muli ang kaniyang sapatos.
Dito ay ipinaliwanag ng vlogger na sinubukan niya lang ang matanda kung ano nga ba ang gagawin nito. Kung kaya ba nitong ipagpalit ang kanyang dignidad sa pera.
“Naiiyak ako. Nalulungkot ako. Bakit ka pumayag?” saad ng vlogger
“Puhunan na yan. Puhunan na.” Sagot naman ng matanda,
Sa video na ito ay ating makikita na may mga tao talagang handa nilang isakripisyo ang kanilang reputasyon at dignidad para lamang mabuhay.
Sinabihan din ng vlogger si Tatay Danilo na huwag niyang hahayaan na apihin siya ng kahit na sino.
Ibinahagi din ng vlogger na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong pumayag sa kanilang alok. Ngunit, sinabi niya na hindi siya papayag na gawin nila ang bagay na iyon.
“Bilang isang kapuwa mo Pilipino, mahal kita. Hindi ko hahayaan na gawin mo yon.”
Hinangaan naman ng vlogger si Tatay Danilo dahil kumakayod pa din ang matanda para matustusan lamang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya sa kabila ng pand3miya sa bansa.
Bago umalis ang vlogger ay binigyan niya si Tatay Danilo ng P3,000. Sinabi ng matanda na sapat na ang binigay na ito para sa kaniyang paninda.
Ngunit dinoble pa din ito ng vlogger at nagbigay ng P6,000 kay Tatay Danilo. Bukod pa diyan, binigyan din nito ng dalawang sakong bigas si Tatay Danilo, isang malaking supply ng diapers na naglalaman ng 12 packs dahil naibahagi ng matanda na mayroon siyang mga pamangkin, at anim na supot na gift packs.
Marami talagang netizen ang naawa kay tatay Danilo sa ginawa niyang ito na hindi na niya inisip ang kanyang dignidad. Sa kabila nito ay marami din ang nagpasalamat sa vlogger na tumulong sa matanda.
Reaksyon ng ilang Netizen:
Panoorin ang video: