--> Sikat na Volleyball Player, Pinagbintangang isang Kabit -Nagsampa na ng Kaso | ChikaTime

Sikat na Volleyball Player, Pinagbintangang isang Kabit -Nagsampa na ng Kaso

  Isang sikat na volleyball player ang pinagbintangang kabit ng girlfriend ng kanyang kapit-bahay ang humingi ng tulong kay sir Raffy Tulfo....

 


Isang sikat na volleyball player ang pinagbintangang kabit ng girlfriend ng kanyang kapit-bahay ang humingi ng tulong kay sir Raffy Tulfo. Siya ay si Gretchel Soltones isang dating member ng Philippine Women's National Volleyball Team.


Ayon sa kwento ni Gretchel ay pinagbintangan umano siya ng kanyang kapitbahay na si Kenneth Gavilan na isa siyang lesbian at kabit ng girl friend nito. Nagpadala din umano si Kenneth ng masama, bastos, at walang galang na mga komento, banta at mensahe kay Gretchel. Maliban pa dito ay pinagbantaan din ni Kenneth ang kasintahan ni Gretchel na si Alfred at hinamon makipag barilan.

Pinakinggan ni sir Raffy ang bawat koponan,ngunit itong si Kenneth ay walang maipakitang ebidensya na magpapatunay na nagkaroon sina Gretchel ng relasyon ng  girlfriend niya.

Desididong magsampa ng kaso si Gretchel laban sa kanyang kapitbahay na sinira ang kanyang dignidad nang tawagin itong homewrecker at umabot pa sa pinagbantaan ang buhay nila.

Nagpadala si sir Raffy sa kanyang team upang matulungan si Gretchel na maghain ng isang reklamo laban sa kanyang kapit-bahay na si Kenneth Gavilan.

Si Gretchel ay nagsampa ng unjust vexation case laban sa kanyang kapit-bahay habang ang kanyang kasintahan ay maaaring magsampa ng isang kasong grave threat case laban sa kanya, ayon sa pulisya.






Ang sabi naman ni sir Raffy ay baka umano may problema itong si Kenneth tulad ng pagka obsess niya sa kanyang gf.Napag alaman din kasi na kahit sinu-sino nalang ang pinaghihinalaan ni Kenneth na kabit ng kanyang gf. 



Anong masasabi niyo kaugnay nito?Obsessed na nga ba si kuya?