--> US Pres. Donald Trump, Biglang Lumabas ng Ospital at nag-Motorcade para Bumati sa mga fans! | ChikaTime

US Pres. Donald Trump, Biglang Lumabas ng Ospital at nag-Motorcade para Bumati sa mga fans!

Kamakailan lamang ay inihayag ni Pres. Trump sa isang tweet nitong nakaraang Biyernes na siya at ang kanyang asawang si Melania ay parehong ...




Kamakailan lamang ay inihayag ni Pres. Trump sa isang tweet nitong nakaraang Biyernes na siya at ang kanyang asawang si Melania ay parehong nagpositibo sa novel coronavirus. Si Pres. Trump mismo ang nag-anunsiyo nito sa kaniyang Twitter post at sinabing naka-quarantine silang mag-asawa.

Ikinabahala ng mga netizens ang paglabas ni Pres.Trump kahit siya ay positive sa Covid.Sandaling lumbas ang Pangulona si Trump sa Walter Reed National Military Medical Center upang batiin ang kanyang mga tagasuporta sa labas, na kumaway sa kanila mula sa kanyang presidential motorcade.





Bago lumabas sa ospital, nag-post ng video sa kaniyang Twitter si Trump at sinabing magkakaroon siya ng “surprise visit” sa kaniyang supporters. Sinabi rin niya na marami siyang natutunan tungkol sa COVID-19.

"This is the real school, this isn't the 'let's read a book' school,"

 



Suot ang kaniyang face mask, nakitang kumakaway-kaway sa publiko si Trump.

Binatikos ng medical community si US President Donald Trump matapos lumabas ng ospital upang batiin ang mga tagasuporta niya nitong Linggo. Nilabag umano nito ang protocol dahil kasalukuyan pa siyang ginagamot sa highly-infectious disease na COVID-19.


"Every single person in the vehicle during that completely unnecessary Presidential 'drive-by' just now has to be quarantined for 14 days," said Phillips. "They may get sick. They may die. For political theater. Commanded by Trump to put their lives at risk for theater. This is insanity."

 


Makalipas ang saglit na motorcade ay bumalik sa Walter Reed hospital si Trump.

Sinabi ng mga doktor kay Donald Trump na maaari na siyang makalabas sa ospital kung magpapatuloy siya sa paggaling mula sa coronavirus.

Ayon kay White House physician Sean Conley, umiigi na ang kalusugan ni Trump.

Aniya, "The president has continued to improve. As with any illness, there are frequent ups and downs over the course."



Panoorin ang video ni Trump: