Ernest Lorenzo Velasquez Dee "Enchong Dee" ay isang Filipino actor, modelo, at swimmer. Si Enchong ay contract artist ng Star Ma...
Ernest Lorenzo Velasquez Dee "Enchong Dee" ay isang Filipino actor, modelo, at swimmer. Si Enchong ay contract artist ng Star Magic ng ABS-CBN. Sumikat si Enchong matapos ang pagbida niya sa kanyang kauna-unahang major drama sa TV na Katorse noong 2009.
Ang unang paglabas ni Enchong sa sa telebisyon ay noong 2006
nang lumabas siya sa isang talk show sa Pilipinas na Homeboy bilang isa sa mga guest.
Nakuha niya ang atensyon ng isang ahensya ng pagmomodelo at mga advertiser at di
nagtagal ay lumitaw na siya sa maraming advertising campaigns kasama ang Close
Up, Bench, KFC at Timex.
Viral ngayon sa social media ang pagsupalpal ni Enchong Kay MMDA Spokesperson Celine . Nagpahayag ng saloobin si Enchong Dee sa Twitter Kaugnay sa mga salitang binitawan ni MMDA Spokesperson Celine Pialago kamakailan lamang sa naging burol sa anak ni Reina Nacino.
Sinupalpal si MMDA Spokesperson Celine Pialago at tinawag siyang walang puso at hindi matalino. Hinimok niya si Pialago na ilagay ang kanyang sarili sa sapatos ni Nasino bilang isang ina, at isipin kung ganoon ang mangyayari sa kanya. Tinanong niya pagkatapos, kung bilang isang tao, magiging tama ba at ok lang sa dating beauty queen.
This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo. Bilang isang tao... ok lang talaga sayo??
Ang post na ito ni Celine Pialago ay inihayag niya pagkatapos ng maraming mga netizen at tagasuporta ni Reina Mae Nasino na nagpahayag sa social media at kumontra sila sa naging resulta ng burol ng anak. Matatandaan natin nung burol ng bata ay kasama nga ang ina ngunit ito ay ipinadala na naka PPE, kumpleto sa face Shield at maskara sa mukha, may guwantes, at gapos. .Napapaligiran din siya ng mga pulis. Ito’y binatikos ng ilang netizen.
Sa pahayag na ito ay talagang makikita natin ang supporta ng aktor sa naghihinagpis na inang si Reina Nacino.
This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo.
— Enchong Dee (@enchongdee777) October 18, 2020
Bilang isang tao... ok lang talaga sayo?? pic.twitter.com/KPLGPk4HuB