--> Nakakalungkot! Bride,Binawian ng Buhay sa Mismong Araw ng Kasal Niya | ChikaTime

Nakakalungkot! Bride,Binawian ng Buhay sa Mismong Araw ng Kasal Niya

  Ang kasal ang isa sa pinakahihintay na araw ng mga babae at ng lalaki. Ito ay maituturing na “Big day”. Sino ba ang hindi nangangarap magp...

 

Ang kasal ang isa sa pinakahihintay na araw ng mga babae at ng lalaki. Ito ay maituturing na “Big day”. Sino ba ang hindi nangangarap magpakasal sa isang taong mahal mo? Siguro lahat naman tayo ay nangangarap na maikasal tayo sa taong pinili at minahal natin ng lubos.

 




Paano kung ang inaasahang pinakamasayang araw sa iyong buhay ay magiging pinakamasakit na araw mo? Sinasabi nga ng iba na hindi lahat ay happy ending.

Ito ang nangyari sa love story ng mag-asawang ito matapos pumanaw ang kanyang bride sa araw mismo ng kanilang seremonya sa kasal.

 


Ang mag-asawa ay kinilalang sina Marjorie Calizar at Victor Bilano na ikinasal sa simbahan ng Tiaong Quezon. Gayunpaman ang dapat na maging masayang araw sa kanila ay nauwi sa pagiging isa sa pinakamasakit na araw ng ikinasal.

Gumuho ang lahat at sakit ang nararamdaman ng groom na ito  matapos pumanaw ang ang kanyang bride sa gitna ng kanilang seremonya sa kasal.

 




Napag alaman na ang bride pala ay matagal ng nakikipaglaban sa cancer kahit pa noon sa kanilang plano pa lang ng kasal

Ang masakit at malungkot na kwentong pag-ibig na ito ay ibinahagi ng netizen sa social media. Makikita natin sa mga larawan na nakasuot ang bride ng kanyang gown habang nakahiga na ito sa stretcher. Makikita natin na talagang mahina na ang bride.






Reaksyon ng ilang netizens;

"Talagang tunay ang pagmamahal ni lalaki"

"Nakakalungkot naman, sa araw pa talaga ng kanilang kasal"

"Magpakatatag sana yung groom"

"May sakit na pala si girl, talagang inlove si boy sa kanya dahil pinakasalan pa rin"


Panoorin ang video:



Talagang nakapasakit sa isang tao ang mawalan ng minamahal sa buhay. Tila mararamdaman din natin ang lungkot at sakit na nararamdaman ng groom at ng pamilya ng bride.


Anong masasabi niyo kaugnay nito?