Matatandaan natin na ang isyung kinakaharap ng komedyanteng si Tekla ay naging laman sa social media. Nag viral ito matapos nagbitaw ng mg...
Matatandaan natin na ang isyung kinakaharap ng komedyanteng si Tekla ay naging laman sa social media. Nag viral ito matapos nagbitaw ng mga akusasyon laban sa komedyanteng si Tekla ang kanyang live-in partner na si Michelle.
Sa naging huling pagkakataon ng pagharap ni Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo kung saan ay tila nagbago ang ihip ng hangin. Sa huling panayam ni sir Raffy ay nagalit ito at naging dismayado sa naging desisyon ng live-in partner ni Tekla na umatras ito sa mga test na sanay gaganapin.
Sa kadahilanang umatras si Michelle na mag pa dru6 test at lie detector test ay hindi na ito pinaniwalaan pa ng host na si sir Raffy.
Matapos nito ay naging trending din ang pagtawag ni Tulfo ng ‘mataba’ sa kapatid ni Michelle na si Shabby.
Matatandaan din natin na umani ng mga pambabatikos si Shabby dahil daw sa akusasyon nito na ginugutom sila ni Tekla gayong kitang-kita naman kung gaano kalusog ang katawan nito dahil ito'y mataba.
Sa huling panayam ni sir Raffy kay Michelle sa programa ay nabanngit ni sir Raffy ang kapatid ni Michelle na si Shabby.
Ayon pa ni Raffy Tulfo tungkol kay Shabby,
“Ayokong makausap ‘yang kapatid mong mataba.”
Lubos namang pinagkatuwaan ng mga netizen ang pahayag na ito ni Tulfo na hindi nila inaasahan na sabihin ito ng batikang broadcaster.
Dahil nga sa hindi na maganda ang imahe ni Michelle at ng kanyang pamilya dahil sa mga hindi magagandang rebelasyon tungkol sa kanila, mukhang ikinasaya pa ng mga netizen ang prangkang pahayag na ito ni Tulfo kay Shabby.
Sa hindi inaasahang mag viral ang sinabi ni Raffy Tulfo ay tila patuloy ang pambabatikos ng mga netizen sa pamilya ni Michelle at nitong mismong si Shabby.
Matapos ang walang tigil na pambabatikos ng netizen ay naglabas ng pahayag si Shabby sa Facebook kung saan, inihayag nito ng kanyang galit o pagkadismaya dahil daw sa pagtawag na ‘mataba’ sa kanya sa programa.
Diretsahan nitong sinabi na ‘bastos’ si Tulfo dahil sa pagtawag daw nitong mataba sa kanya. Ani pa nito,
“Bastos! Tinawag ba naman akong mataba. Bakit? Ako lang ba mataba sa mundo??!!!! Kahit mataba ako, maganda ako no!”
“Ok lang kahit mataba, ‘wag lang maging mukhang hipon,” dagdag pa nito habang dinedepensahan ang sarili.
Sa kanyang mga Facebook post, makikita na panay pa rin ang mga pahayag nito tungkol sa nangyaring kontrobersiya sa pagitan ng kanyang kapatid na si Michelle at ng komedyanteng si Tekla.
Panay ang parinig niya rito sa mga taong patuloy pa rin na bumabatikos at nanlalait sa kanila. Ani pa nga nito, gusto niya raw sana na ireklamo ang mga panlalait na ito sa kanya ngunit, hindi niya na lamang itinuloy dahil alam niyang hindi rin siya papanigan ni Tulfo.
kamakailan rin, isang vlog na inilabas ni Tekla, ipinakita nito ang kanyang magulo at maduming condo na kagagawan daw ng pamilya ni Michelle. Upang malinis ang condo nito na sira-sira din ang mga gamit, ang kaibigan mismo ni Tekla na si Donita Nose ang nanguna sa kanilang pag-aayos dito.
Kaugnay sa video na ito , mayroon ding inihayag na akusasyon si Shabby.
Ayon dito, ‘scripted’ daw ang naturang vlog ni Tekla at hindi totoo ang dumi sa condo nito na kagagawan daw nila.
Ngunit, dahil sira na nga ang kredibilidad ng pamilya nito sa publiko, hindi bumenta ang akusasyon na ito ni Shabby sa mga netizen.
Sa isang Facebook post ni Shabby ay sinabi pa nito na:
“Wala lang man ba kayo masabi na maganda diyan?? Di ba kayo nagsasawa manglait ng kapwa nyu?? Pareho pareho lang naman tayo tao ah… Grabe kayo kung makapanghusga, kala mo kung sino tong mga perpekto… kala mo ang gaganda para laiitin ako ng sobra.. Sana lang ha di n’yo maranasan ang gutumin at bastusin.. Grabe kayo.”
Panoorin ang video: