Wala ng prangkisa ngayon ang ABS-CBN kaya naman ay nagsilipatan na ang kanilang mga artist. Sa kadahilanang hindi na nakapag renew ng pran...
Wala ng prangkisa ngayon ang ABS-CBN kaya naman ay nagsilipatan na ang kanilang mga artist. Sa kadahilanang hindi na nakapag renew ng prangkisa ang ABS-CBN ay maraming mga artista na ang nagsilipatan sa kabilang network dahil sa naging apektado ang kanilang talent management na Star Magic.
Pati si Julia Barreto ay lumipat na .Since 2006 ay naging bahagi na si Julia Barretto sa Star Magic. Ngayon si Julia ay nagpaalam na sa Star Magic dahil siya ay lumipat na sa Viva Artist.
Sinabi ni Julia na big factor sa kanyang pag alis sa Star Magic ang pagreretiro ni Mariole Alberto ng Star Magic.
Opisyal ng tinanggap si Julia Barretto sa pamilya ng Viva Artists Agency sa pamamagitan ng isang online press conference noong Miyerkules, Setyembre 30. Ang dating Star Magic Talent na si Julia Barretto ay final ng nagdesisyon na magpaalam na sa Star Magic at siya ngayon ay pumirma ng 5 taong kontrata sa VAA, kung saan ay ito ang talent management ng Viva Entertainment.
Ang tatay-tatayan ni Julia sa Star Magic na si Mr. M o Johnny Manahan ay nasa TV5 na. Humingi si Julia ng basbas kina Johnny Manahan at Mariole Alberto ng Star Magic bago siya lumipat sa Viva.
“Julia said that she consulted and asked for blessing from Mr M and Mariole Alberto of Star Magic. Big factor for her departure from Star Magic was Alberto's retirement,” saad ni MJ
“Si Tita Mariole kasi nag-announce siya ng retirement niya in December a few months back na rin. Kami-kami pa lang nakakaalam sa Star Magic. After nun, 'yun talaga 'yung mga oras na I really took some time to think and pray. Nag-pray talaga akong matindi para tulungan lang malaman kung ano pa ang mga posibleng tahakin ko sa karera ko. Like I said, they were always guiding me,”dagdag sabi ni Julia
Nilinaw din ni Julia ang kumakalat na tsismis na nagulat na lamang ang production team ng paparating na serye sana ni Julia sa ABS-CBN TV na “Cara Y Cruz” sa kanyang biglaang pag-alis sa Star Magic. Naiintindihan niya ang desisyon na palitan siya sa serye, na sinasabing pinalitan siya kay Barbie Imperial.
“Regarding ‘Cara Y Cruz’ naman po, hindi totoo na hindi na lang ako nagpakita bigla. I was present in all our script readings, in our general assemblies. I was present for our look test. I was present for our one-on-one meetings with the director. Nakapag-usap na kami ng mga gagawin namin sa character. If I’m being honest, nakapag-empake na rin po talaga ako, (for the lock-in taping),” paliwanag ni Julia
HAPPENING NOW: Julia Barretto launched as the newest talent of Viva. pic.twitter.com/uDmx7pcZLP
— MJ Felipe (@mjfelipe) September 30, 2020