--> Bote ng Alcohol,Biglang Sumabog sa Loob ng Kotse | ChikaTime

Bote ng Alcohol,Biglang Sumabog sa Loob ng Kotse

Ang isang nakaparadang kotse ay nagtamo ng malaking pinsala sa loob nito.Basag ang bintana ng sasakyan at nasira ang upuan nito  matapos sum...



Ang isang nakaparadang kotse ay nagtamo ng malaking pinsala sa loob nito.Basag ang bintana ng sasakyan at nasira ang upuan nito  matapos sumabog sa init ang isang bote ng isopropyl na alkohol na naiwan  sa upuan ng sasakyan.






Isang netizen ang nagbahagi ng hindi magandang karanasan nila ng dahil sa bote ng alcohol.Nagbigay babala ito sa mga ibang tao na huwag mag-iwan ng alcohol o iba pang flammable na bagay lalo na at mainit ang panahon sa Pilipinas. Sa Facebook post ng netizen na si Joyce Ann Canlas, nabasag daw ang salamin ng kotse at nabutas ang upuan dahil sa pagsabog na nangyari. 

Sinabi ni Joyce Canlas sa interview ng GMA News na iniwan ng kanyang kasintahan ang bote ng alcohol sa upuan matapos pumarada sa labas ng isang bodega sa Cainta.Nang bumalik sila, ang bintana sa harap ay nasira at isang malaking tipak ang nakuha mula sa upuan . Ang kisame ng sasakyan ay napunit din.






“Malalaman mo na sa alcohol talaga yun kasi makikita mo ‘yung alcohol butas na e. Thankful naman po ako kasi kung sakali na nando’n ako parang hindi ko rin po ma-imagine kung ano ‘yung puwedeng mangyari sa akin,” saad ni Canlas

Nagbabala naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi dapat nag-iiwan ng alcohol, sanitizer, o anumang disinfectant sa loob ng kotse dahil ito ay flammable. Paliwanag nila, mabilis daw maglabas ng vapor at fumes ang mga ito na maaaring magpataas ng pressure sa loob ng bote. Kaya naman, kapag tumaas ang temperature ay maaaring magdulot ito ng pagsabog. 









“Alam natin ang mga alcohol, maaaring ito ay isopropyl or ethyl alcohol, sila ay highly flammable. Ibig sabihin po, sila ay mabilis pagmulan ng sunog,”saad ni  forensic chemist Manolito Ybanez .






“Isa itong mga chemical or mga substances na ito na may mabababa silang flash point,” saad ni Ybanez 

“Ibig sabihin, mabilis silang naglalabas ng mga fumes o mga vapor na maaaring magpataas no’ng pressure sa loob ng isang container at kapag tumaas nang tumaas ‘yung temperatura sa paligid, maaari itong magdulot ng pagsabog,” dagdag niya


Nagbabala rin ang Food and Drug Administration (FDA) sa tamang pagtago ng alcohol. Dapat daw ay ilayo ito sa mga maiinit na lugar. 


Panoorin ang video:


Kaya dapat lang natin isipin ang ating kaligtasan.Mag ingat tayo ! Anong masasabi niyo kaugnay nito?