Usap-usapan ngayon sa social media ang isang vlogger na nag-viral kamakailan lang matapos itong namahagi ng grocery items para sa kanyang...
Usap-usapan ngayon sa social media ang isang vlogger na nag-viral kamakailan lang matapos itong namahagi ng grocery items para sa kanyang mga empleyado bago paman ito pansamantalang ipapasara dahil sa naturang COVID-19.
Ay pangalan ng vlogger na ito ay si Basel Manadil o mas kilala sa tawag na "The Hungry Syrian Wanderer".
Si Manadil ay isa sa mga kilalang vlogger na madalas namamahagi ng tulong sa mga taong nangangailangan.
Ngayon namang panahon ng crisis sa Pilipinas dahil sa naturang COVID-19, sinisigurado niya ang kaligtasan ng kanyang mga empleyado kaya naman pansamantala niya munang ipinasara ang kanyang business.
Ang business na ito ni Manadil na 'YOLO Bubble Milk Tea & Retro Diner' ay pansamantalang isasara alinsunod na rin sa enhance community quarantine na ipinag-utos ng kataas-taasang pamahalaan dito sa Pilipinas.
Ngunit, bago pa man magsara ang negosyo na ito ni Manadil, naisirip rin niya na bigyan ang kanyang mga empleyado ng libreng groceries at mga pangunahing medical supplies na kakailanganin ng mga ito sa loob ng isang buwan na community quarantine sa bawat tahanan nila.
"Closing my business ang buying my employees groceries before sending them home." sabi ni Basel Manadil.
Ibinahagi rin ni Manadil sa kanyang Facebook account na isa rin sa kanyang mga natutunan nung siya ay nagsimula nang business ay kung paano aalagaan at magmalasakit sa kanyang mga empleyado.
"A boss manages their employees, while a leader inspires them to innovate, think creatively, and help them strive to achieve greatness. You can have the best strategy and the best business in the world, but if you don't have the hearts and minds of the people who work with you, none of it comes to life." saysay ni Basel Manadil sa kanyang Facebook post.
Samantala, mas iniisip din ngayon ng sikat na vlogger ang kaligtasan ng kanyang mga empleyado, lalo na ngayo't patuloy na kumakalat ang COVID-19 sa bansa.
Kaya naman, hindi rin siya nagdalawang isip na pansamantala na muna itong isasara ang kanyang negosyo.
"Due to significant and recent unforeseeable circumstances and impact of the global spread of COVID-19, we are temporarily closing our YOLO Bubble Milk Tea & Retro Diner. The safety of our staff and customers are our top priority. Stay safe everyone." dagdag ni Manadil sa kanyang Facebook post.