Mainit na pinag-uusapan online ang naging pahayag ni VP Sara Duterte tungkol sa pagsugpo sa mga kr1m1nal at t*ror*sta. Sa kanyang ikalawan...
Mainit na pinag-uusapan online ang naging pahayag ni VP Sara Duterte tungkol sa pagsugpo sa mga kr1m1nal at t*ror*sta.
Sa kanyang ikalawang araw bilang office-in-charge sa bansa ay ipinatawag ni Vice President Sara Duterte ang mga miyembro ng security sector.
Ang security sector ay binubuo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.
Sa nasabing pagpupulong ay pinagusapan nila ang kasalukuyang “peace and order situation” sa bansa at kung paano nila mapapanatiling ligtas ang mga mamamayan habang wala sa bansa si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Inutos din ni Duterte sa security sector na huwag magpakitang awa sa mga terorista at krim1nal.
Kasama rin sa kanyang utos na dapat ay maging mahigpit sila sa mga taong naniniwala o ipinapakalat ang mga ideolohiya ng mga terorista at kriminal.
“Our policy against criminals and terrorists and those that support and espouse their ideologies of violence should be hardline. We should show no mercy to criminals and terrorists,” saad ni VP Duterte.
Hindi naman binanggit ni Duterte kung sino ang mga posibleng nagpapakalat o sumusuporta sa mga idelohiya ng krimal o terorista.
Nagpasalamat din si Duterte sa serbisyo na ipinapakita ng security sector.
Sa ngayon naman daw ay walang malaking banta sa seguridad ng bansa.