Trending ngayon sa social media ang sikat na vlogger na si Joel Mondina o mas kilala na Pambansang Kolokoy dahil sa mga ibinunyag nito sa pu...
Trending ngayon sa social media ang sikat na vlogger na si Joel Mondina o mas kilala na Pambansang Kolokoy dahil sa mga ibinunyag nito sa publiko.
Matapang na ibinunyag ng vlogger ang tunay na estado ng relasyon niya sa kanyang misis na si Marites.
Ibinahagi sikat na vlogger na si Pambansang Kolokoy na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Marites matapos ang 20 na taon nilang pagsasama.
Tapat din niyang inamin na mayroon na siya ngayong ibang karelasyon.
Marami naman ang nabigla sa mga isiniwalat na ito ni Kolokoy sa mga followers niya.
Hindi pa raw sana magsasalita si Joel sa publiko tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa dahil may proseso pa raw silang ginagawa ngunit marami ra sa kanyang mga tagasuporta ang nagtatanong kung bakit hindi naraw niya kasama si Marites.
Masaya raw ang pinagsamahan nila Marites kaya ayaw raw niyang magsalita ng hindi maganda sa kanyang asawa.
Hindi rin naman idinetalye ni Joel ang tunay na sanhi ng kanilang hiwalayan at pinili niya itong maging pribado.
Nilinaw din ni Joel na maayos ang kalagayan ng kanyang mga anak at inilahad niya na hindi siya pabayang ama.
Marami naman sa mga netizens ang nalungkot sa hiwalayan ng vlogger couple na si Kolokoy at Marites. Ang ilan pang netizens ay nagalit kay Kolokoy dahil sa may iba na itong babaeng kinakasama pala.