Usap-usapan ngayon sa social media ang viral na video kung saan inilahad ni Markus ang ilan sa mga natutunan niya sa kanyang mga nakaraang...
Usap-usapan ngayon sa social media ang viral na video kung saan inilahad ni Markus ang ilan sa mga natutunan niya sa kanyang mga nakaraang relasyon.
Tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang matabil na dila ni Markus Paterson sa kumalat nitong clip sa Twitter na tila patama kay Janella Salvador.
Sa vlog na in-upload ng Rise Artists Studio na may pamagat na "Boys After Dark" nito lamang September 3, 2022 ay inilahad ni Markus ang kanyang seryosong saloobin kaugnay sa past niyang karelasyon.
Ayon kay Markus, kung may natutunan raw siya sa isang relasyon yun ay wag raw makipag-relasyon sa kasama sa industriya.
"Kung may lessons akong natutunan sa relationships ko is never to f*cking date someone in the industry. Wag niyo i-cut yan, seryoso ako diyan,” sabi ni Markus habang kumikindat pa sa kamera
Samantala sa isang vlog ni Bernadette Sembrano, ay kinompirma ni Janella na isa na siya ngayong single mom.
Marami sa mga netizens ang tila nainis sa sinabing ito ni Markus/Sobrang kapal umano ng mukha nito na mag-angas pa, samantalang iniwan na nga raw nito ang responsibilidad bilang ama sa anak nila ng aktres na si Janella Salvador.