Naging agaw atensyon ang ibinahagi ni Dr. Willie Ong ang ilan sa mga naging dahilan niya kung bakit siya pumasok sa mundo ng politika. Sa na...
Naging agaw atensyon ang ibinahagi ni Dr. Willie Ong ang ilan sa mga naging dahilan niya kung bakit siya pumasok sa mundo ng politika.
Sa naging panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay dito na ibinahagi ni Ong na mayroong lumapit sa kanyang isang ‘prophetic pastor’.
“Sabi niya ‘marami kang matutulungan, I can see thousands of people in white they will follow you through the door, pero kailangan kang pumasok sa pinto'” kwento ni Doc Ong.
“Tapos pupunta daw ako sa probinsya at papalakpakan ng mga tao, tapos si Doc Liza daw ay mapupunta sa MalacaƱang,” dagdag niya pa.
Kwneto ni Doc Ong na nitong 2022 naman ay wala talaga siyang balak na tumakbo sa kahit anong posisyon ngunit nakumbinsi siya ni dating Manila City Mayor at natalong presidential candidate na si Isko Moreno matapos siyang sabihan na sasagutin ng dating alkalde ang gastos niya sa kampanya.
“Kaya nu’ng inimbita ako ni Isko (Moreno, ex-Manila mayor) na siya na ang gagastos, na magra-ride on ako matututo ako, ibi-briefing ako saka hindi briefing pang senador kundi pang buong bansa, e, gusto kong matuto (tulad) sa Foreign Affairs, ano ito,” sabi ng doktor.
Kwento pa ni Doc Ong na akala niya rin noon ay hindi niya kakayanin ang mundo ng politika ngunit nakaya niya naman.
Sa ngayon ay patuloy parin na umaasa si Ong na darating ang panahon na hindi na mangangailangan ang mga tao na manood ng kanyang mga videos dahil sa makakatanggap na sila ng libreng serbisyong medikal.
“Kung maganda ang service health care sa private at government at may nakukuha silang libreng gamutan, hindi na sila manonood ng videos ko, e, wala nga silang mapuntahan.” sabi pa niya.