Ang Green Soldier ng Baguio City, na kilala rin bilang Tito Noel, ay nakatanggap ng mga sari-aring komento mula sa mga netizens matap0s ang...
Ang Green Soldier ng Baguio City, na kilala rin bilang Tito Noel, ay nakatanggap ng mga sari-aring komento mula sa mga netizens matap0s ang isyung kumakalat tungkol sa kanya.
Matatandaan kamakailan na naglabas ng saloobin si Noel sa mga netizens na tila binabatikos siya at sinasabihang mukha na siyang pera.
Hindi nag-aksaya ng panahon si Tito Noel na i-repost ang nasabing pahayag sa kanyang sariling wall, saka nagpatuloy ito na sinupalpal ang nasabing pahayag at hindi na nag-abala pang itago ang kanyang nararamdaman tungkol sa mga pahayag ng kanyang mga kritiko.
“Hindi ko po gawaing mag post ng ganito. Pero Grabe naman ung ganitong Salita sakin,” saad ni Tito Noel
Masakit din aniyang isipin na ang mga kapwa Pilipino ay magsasabi ng mga ganoong bagay.
“Sakit lang Isipin na Kapwa pinoy Kailangang maging ganito. Wala naman akong ginagwang Masama sainyo,” saad nito
At nang Nang mabasa ang kanyang post, maraming netizens ang nagigay ng sari-saring komento tungkol sa kanyang sinabi.
Kung may bumabatikos sa kanya ay may libu-libong netizens din ang dumagsa sa kanyang page para ipahayag ang kanilang suporta.
Saad sa kanyang post:
"Hindi ko po gawaing mag post ng ganito š
Pero Grabe naman ung ganitong Salita sakin,
Siguro naman May karapatan akong magkaroon ng sarile kong TF Lalo na sa iba't ibang show may ibinabahagi naman din ako part ko.
Lahat naman po ng bagay na ginagawa ko pinaghihirapan ko, bago ko nakamit lahat po ng ito.
Ganito naba talaga sistema ng ibang Pinoy? Pag may nararating ung tao hahanapan ng butas Kailangang Hilahin pababa?šš
Oo alam kong malalaos din ako agad, Atleast kahit paano alam kong may ibinahagi ako sa kapwa ko na Munting kasiyahan at kabutihang Gawa. š"
Sumikat ang Green Soldier ng Baguio City matapos lumabas ang ilang video ng kanyang road performances online.
Sa likod ng berdeng pintura at costume ay si Jhonwel Reyes, kilala rin bilang Tito Noel, isang mime artist na lumaki sa Metro Manila.
Dati siyang nagtrabaho bilang construction worker, pedicab driver, factory worker, janitor, service crew, at kalaunan bilang mime artist.
Pagkatapos ay lumipat siya sa Baguio City kung saan natagpuan niya ang kanyang suwerte at nakilala bilang The Green Soldier.