Muling na namang nag ingay sa social media sina Julia Barretto at ang mga kapatid nito matapos makita ng publiko ang inihayag ni Dennis Pad...
Muling na namang nag ingay sa social media sina Julia Barretto at ang mga kapatid nito matapos makita ng publiko ang inihayag ni Dennis Padilla tungkol sa kanila.
Tila dismayado ang komedyanteng si Dennis Padilla sa mga ipinakita ng kanyang mga anak na tila ba talagang nilimot na siya.
Mapapansin na tila idinaan na lamang sa positibong mensahe ng aktor na si Dennis Padilla ang kanyang kalungkutan matapos siyang hindi batiin ng Father’s Day ng tatlo niyang anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto.
Makikita sa kanyang Instagram post, ipinaalala niya sa mga anak niya kay Marjorie Barretto na Father’s Day noong Linggo at hindi man lang siya binati ng mga ito.
“Miss you both… You forgot to greet me last sunday… Hehe!! Love you… God bless you more,”sabi ni Dennis sa kanyang Instagram post.
Sinundan naman ito ng kanyang post para sa bunso nilang anak na si Leon.
“Leon… You forgot to greet me last sunday… hehe… Love you ingat..” sabi pa ng aktor.
Dahil sa pahayag niyang ito ay maraming mga netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa pinagdaraanan ni Dennis ngayon.
“Kamukha mo c julia at leon dennis…at sana hyaan mo nlng mga anak mo n mklaalala sau kasi nka ilang post ka na at bati wa epek s kanila tama na yan…” @komento ni ph_0330.
“Walang pakialam sa AMA nila,samantala mga mukha kuhang kuha nila ang AMA nila.” wika ni @neneberrey.
“Hayssst sir Denis naawa ako sau Mahal na Mahal mo mga anak mo pero ni reply wala cla,” sabi ni @khingdeamie.
Sa ngayon ay burado na sa kanyang Instagram ang mga nasabing post matapos itong makakuha ng daan daang reaksyon mula sa mga netizens.
Panoorin:
Wala pang tugon sila Julia, Claudia at Leon sa mensahe ni Dennis.