Marami sa mga fans ang nagulat sa mga rebelasy0ng ibinunyag ng dating child star na si Bugoy Carino tungkol sa mga maling mga nagawa at mga...
Marami sa mga fans ang nagulat sa mga rebelasy0ng ibinunyag ng dating child star na si Bugoy Carino tungkol sa mga maling mga nagawa at mga pinagsisihan niya sa kanyang buhay.
Talagang walang pag alinlangan at tapat na inamin ng dating child star na si Bugoy ang plano nila noon ng dating volleyball star na si Ej Laure nang malamang buntis ito.
Sa vlog ni Karen Davila, tapat na inamin ni Bugoy sa interview na gusto umano nilang ipatanggal ang nasa sinapupunan ni EJ.
Paliwanag ni Bugoy bata paraw siya noon. Maalala na 16 pa lamang noon si Bugoy habang si EJ naman ay 21.
"Ito sasabihin ko talaga. Una po talaga, ang desisyon namin is ipal*gl*g yung baby."
"Ok sige, bata pa po ako 'nun e 'Di ko po alam na buhay po pala ang mawawala..."
" Sabi ko sa sarili ko, o sige, para lang mabalik yung career ko, alang-alang na lang sa family ko para makatulong na lang ako ng sobra and maibalik yung mga shows na ibinigay sa akin, 'yung tiwala sa'kin nung ABS... Sabi ko sige, ipalaglag na lang," sabi ni Bugoy
Ngunit kalaunan ay napag-isip-isip din nila na ipagpatuloy ang pagbubuntis ni EJ dala narin ng payo ng kanilang pamilya.
Marami sa mga netizens naman ang nagbigay ng komento sa ginawang desisyon ni Bugoy sa kanyang buhay.
"My respect to you Bugoy, wala sa edad ang pagiging responsible nasa pag katao at paninindigan yan. Pinamalay mo ang pagiging mabuting Ama nong nag desisyon ka na buhayin mo ang anak mo at gawin ang tama. tingin ko successful kana, bilang haligi ng tahanan nakikita naman na na provide mo nga maayos ang obligasyon mo sa pamilya. Isa kang mabuting anak sa magulang mo at mabuting ama sa anak mo.
"So proud of you BUGOY! ❤️ Nakakahiya dun sa amang iniwan yung mag-ina para sa sariling kasiyahan eme!!! Salute to this MAN sa pagiging RESPONSABLENG AMA AT ASAWA sa batang edad. Happy Father's Day Bugoy🎉 Scarlet is so proud for having you as her father 🤍"
"Wow!!! Nakaka bilib naman itong batang Ito! Matapang, matatag at responsible. I hope madami ka na ulit projects dahil magaling din itong artist na Ito."
Sa ngayon ay masaya sila sa piling ng kanilang anak lalo't magtatlong taong gulang narin ito.