Marami talaga ang nagtaka at nabigla sa naging desisyon ng aktres na si Liza Soberano kaugnay sa hindi niya pag renew ng kontrata sa kanyang...
Marami talaga ang nagtaka at nabigla sa naging desisyon ng aktres na si Liza Soberano kaugnay sa hindi niya pag renew ng kontrata sa kanyang talent manager na si Ogie Diaz.
Talagang ikinagulat ng mga netizens ang pagpapalit ng manager ng aktres na si Liza Soberano na matatandaang matagal na siyang hawak ni Ogie Diaz.
Matapos ang mga usap-usapan ay ibinunyag ni Ogie na hindi na siya ang manager ni Liza at nakahanap na ito ng bagong hahawak sa kanya.
“Marami na ang nag-approach sa akin. Marami na rin ang tumatawag sa akin kung si Liza ba under my management pa rin at pag may nag-iinquire sa akin ay ipinapasa ko sa iba."
Unang-una sa lahat, legally speaking, ako pa rin ang manager ni Liza Soberano hanggang May 31, 2022,” saad ni Ogie sa kanyang vlog.
Ayon pa kay Ogie ay hindi na nag-renew ng kontrata si Liza sa kanya dahil sa mas gusto na nitong mag-focus sa kanyang career sa hollywood.
Wala naman daw sama ng loob ang talent manager sa aktres.
“Ang sine-save ko kasi, yung friendship kasi ang haba ng panahon na pinagsamahan ninyo eh. Hindi mo dapat sayangin ‘yun dahil wala ka nang kinikita sa bata o wala na akong naibibigay na project sa bata.” saad pa nito.
“Hindi doon nagtatapos ang relasyon dahil lagi ko ring sinasabi yan kay Liza na hindi mo dapat pinuputol ‘yung tulay." saad nito
"Kasama don sa kanyang mensahe na gusto niyang mag-try sa Hollywood,” pagpapatuloy ni Ogie.
“Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki dahil ‘yung mga kinita ko sa kanya, doon din naman ako humugot para mabuhay yung anak ko na si Miracle.” saad pa ni Ogie
Sa ngayon ay ang aktor na si James Reid na ang hahawak kay Liza habang ito ay sinusubukang maging matagumpay ang career sa hollywood.