Agad na naging mainit na topic sa social media ang ginawang ito ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan kay president-elect Ferdinand “Bongbong” ...
Agad na naging mainit na topic sa social media ang ginawang ito ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan kay president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Umani ng sari-saring komento mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Sen. Pangilinan na ito.
Sa kanyang pahayag, inilatag ni Pangilinan ang hamon niya sa susunod na administrasyon kasama na dito ang problema sa kagutuman at pagtaas ng presyo ng pagkain.
“Hamon sa susunod na administrasyon na bigyang solusyon ang malawakang gutom at ang pagsirit ng presyo ng pagkain. Dapat paghandaan ang nakaambang krisis sa pagkain at gutom,” ani Pangilinan sa kanyang social media post.
“Hindi lang presyo ng gasolina ang apektado sa kasalukuyang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine. Malaking dagok din sa food security dito sa Pilipinas gayundin sa ibang bansa ang patuloy na sigalot na ito. Dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, tumaas ang presyo ng pataba at pestisidyo, gayundin ng transportasyon,” dagdag niya pa.
Naniniwala si Pangilinan na hindi dapat umasa ang Pilipinas sa pagkuha ng suplay ng pagkain sa ibang bansa.
“Kung mayroong aral na mahihinuha dito, ito ay dapat hindi reliant ang Pilipinas sa ibang bansa sa usapin ng ating pangangailangan sa pagkain. Kailangan nating suportahan ang ating mga magsasaka’t mangingisda upang makapag-produce sila ng sapat na pagkain para sa ating mga kababayan,” wika pang senador.
“Laging ipinagmamalaki na tayo’y bansang agrikultural ngunit kulang na kulang ang suporta sa sektor ng agrikultura. Matinding kahirapan ang dinaranas ng ating mga magsasaka’t mangingisda. Baon sila sa utang na nagiging resulta sa pagbebenta ng kanilang mga sakahan at ari-arian. Nakakalungkot at nakakadismaya,” dagdag niya pa.
Kung wala daw mangyayaring korapsyon sa agriculture sector ay maari daw maging masagana muli ang ani ng mga magsasaka at dadami na muli ang suplay ng pagkain sa bansa.
“Kapag sinuportahan sila nang buo at kapag sinuportahan sila nang hindi binubulsa ang pondo, tiyak dadami ang kanilang ani at huli. Kapag marami na ang supply ng pagkain, bababa na ang presyo nito. Lahat tayo makikinabang at tiyak walang Pilipino ang kakalam ang sikmura.” paniniwala ng senador.
Wala pang tugon si Marcos sa hamon sa kanya ni Pangilinan.
Noong 2021 ay sinabi ng susunod na pangulo na dapat daw ay mas prayoridad ng bansa ang agrikultura at hindi edukasyon.
“What is needed is to reprioritize agriculture to its proper place. In fact, maybe the only one that will be ahead of agri is education pero after education, dapat agri na ang pinaguusapan natin,” sabi ni Marcos.