Umani ng sari-saring komento ang naging pahayag ni dating first lady Imelda Marcos kaugnay sa pagkapanalo ng kanyang anak na si Ferdinand “...
Umani ng sari-saring komento ang naging pahayag ni dating first lady Imelda Marcos kaugnay sa pagkapanalo ng kanyang anak na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pangulo.
Sa video ay kitang kita na hindi maitago ni dating first lady Imelda Marcos ang kanyang pagkagalak sa pagkapanalo ng kanyang anak na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang video na kumakalat sa social media, dito ay ating makikita ang dating unang ginang na naglalabas ng kanyang pahayag matapos maproklama ang kanyang anak na nakakuha ng mahigit 31-M na boto.
“I have two Presidents,” ani Imelda.
Sinagot naman ni Marcos ang pahayag ng kanyang ina.
“Sa inyo naman ni Daddy lahat ito eh,” sabi ng susunod na pangulo.
Ibinahagi ni Marcos Jr. kung gaano siya nagulat nang makaakyat ang kanyang ina sa rostrum sa Batasan Complex sa Quezon City para makiisa sa kanyang opisyal na proklamasyon noong Mayo 25 nina Senate President Vicente "Tito" Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco.
"Nagulat ako dahil nandun ako sa taas, kausap ko si SP (Sotto), kausap ko si Speaker, at nakita ko palapit siya (Imelda). Paglingon ko ulit, andun na siya (sa rostrum). Sabi ko, 'Papaano nakaakyat ito?'," saad nito
(I was surprised because I was up there, talking to the Senate President and the Speaker, and I could see she was approaching. When I turned around again, she was already on the rostrum. I wondered how she was able to go up.)
"Yun pala, nung tinutulungan siya, isasakay siya sa wheelchair, sabi niya, 'Hindi, hindi. Kaya ko. I can do it, I can do it',"dagdag sabi
Saad ng ilang Netizens:
“Nakakaiyak at natutuwa ako na makitang masaya kayong muli mahal naming tunay na ina ng bansa. We love you Ma’am Imelda Marcos. We really love all Marcoses. God bless you always.” komento ni Yolanda Crowley.
“Naiyak ako at least natauhan n mga ibang tao nkabalik sila ulit kung saan duon lumaki ang mga mgkakapatid mbabuhay po mdam long live po,”