Usap-usapan ngayon online ayng umanoy pagkontra ng ilang kandidato na sinusuportahan ni presidential candaidete Vice President Leni Robredo ...
Usap-usapan ngayon online ayng umanoy pagkontra ng ilang kandidato na sinusuportahan ni presidential candaidete Vice President Leni Robredo na hayaang makadalo muli si Queen of all Media Kris Aquino sa mga darating nilang rally.
Ito ang inihayag ng kolumnista na si Cristy Fermin at nbg kanyang co-host na si Rommel Chika sa kanilang program show na “Cristy Ferminute”.
Ayon pa kay Cristy ay may mga natanggap siyang impormasyon na interesado muli si Kris na umakyat sa entablado ng mga Kakampink upang magpakita ng suporta kay Robredo sa kandidatura nito.
Ngunit ilan daw sa mga tumatakbong senador sa slate ni Robredo ay kumokontra na sa pagdalo muli ni Aquino sa rally nila.
“May nagkuwento sa akin na si Kris pala humahanap lang ng tiyempo para umakyat ulit sa isa pang entablado de kampanya ng Kakampinks. Ngayon nu’ng makarating daw ‘yung kuwento sa mga senador halos lahat sila ay kumontra.” kwento ni Fermin.
Talagang naniniwala si Cristy Fermin na ayaw na ng mga senador pa na maging kontrobersyal ang mga susunod nilang rally dahil sa pagdalo ni Aquino.
“Nu’ng una nag-aalala sila para sa kalusugan ni Kris, ‘yung health niya alam naman natin na nangangailangan siya ng matinding pahinga at gamutan.” saad ni Fermin
“Siyempre ‘yung mga senador ayaw nila dahil baka nga naman ano ang mangyari kapag umakyat na naman siya tulad nu’ng nauna sa Tarlac, di ba?” dagdag pa nito.
“Pero kung hahalukayin natin ang dahilan kung bakit ayaw nila (mga senador), nasisira ‘yung programa nila. ‘Yun ang totoo!” sabi pa nito.
Kwento pa ni Cristy ay may mga programang nasira sa Tarlac rally dahil sa biglaang pagdalo ni kris Aquino.
“May mga nakaplano sila na programa sunud-sunod hindi po ‘yun natutupad at nagaganap dahil parang si Kris ang sumisira do’n sa kanilang kampanya,” sabi niya.
Matatandaan kamakailan na naging usap usapan sa social media ang mga pahayag ni Aquino sa kanyang pagdalo sa rally ni Robredo.