Hindi napigilan ng Megastar Sharon Cuneta na batikusin ang pagkanta ni senatorial candidate Salvador “Sal” Panelo sa kanyang hit song na San...
Hindi napigilan ng Megastar Sharon Cuneta na batikusin ang pagkanta ni senatorial candidate Salvador “Sal” Panelo sa kanyang hit song na Sana’y Wala ng Bukas.
Matatandaan na kinanta ni Panelo ang kilalang awitin ni Cuneta sa meet and greet ni vice presidential candidate Sara Duterte sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Quezon City .
Tinawag ni Cuneta na “nakakahiya” ang pagkanta ni Panelo na nakuhanan pa ng CNN Philippines.
Sinabi pa nito na walang permiso si Panelo na kantahin ang likha ng manunulat na si Willy Cruz.
“Nanang ko pls lang nakakahiya naman samin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic.” ani Cuneta.
“I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy, nakakahiya naman samin! Kinilabutan ako in a bad way!” dagdag niya pa.
Tila hindi naman inakala ng maraming netizens ang naging reaksyon ni Sharon.
Dahil dito ay inulan ng sari-saring komento ang pahayag ni Sharon:
“Ate Shawie, hindi ka composer nong kanta. Boses ang contribution mo doon, so pag iba ang boses, kahit panget, wala ka nang kinalaman doon.” ani RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy.
“Pwede pong kantahin nino man ang kanta, kung e cover at e reproduce ang nasabing kanta, dito lamang magkakaroon ng pahintulot galing sa may ari (not necessarily from the singer). Viva records po may ari. Period,” sabi naman ni Mark Lagumbay.
"Bakit Sharon Ikaw ba oginal na kumanta hiya-hiya pag may time tumatanda kang paurong alam mo Sharon kahit anong Gawin mo Hindi mananalo asawa mo itaga mo yan bato maliban lang pala kung may gawing magic ang Smart matic"- Ina
"Wow ikaw na idol kita pero nga nga pangit Pala ugali mo lumabas din Ang tunay na kulay mo manang mana ka kai ..........sinuportahan mo I ban nalang ung song mo ayaw Pala kantahin Yan hahaha kaloka lumalabas Ang pagka low class mo grabe pati matanda no pumatol ka..kakahiya ka mayaman nga wala din classic."- Annalou
Senatorial candidate Sal Panelo serenades the crowd with Sharon Cuneta’s hit song 'Sana’y Wala Nang Wakas' during Sara Duterte’s meet-and-greet with LGBTQIA+ groups in Quezon City. #TheFilipinoVotes | @RexRemitio
— CNN Philippines (@cnnphilippines) March 10, 2022
Election stories: https://t.co/khs6u98h8a pic.twitter.com/8S8oR8O4k7
Problema ba sa itim na kilikili? ito na ang mabisang solusyon!š¤©
Mura lang nito mga mareš„°Kung interesado ka, Just click the link below at diresto na kayo sa Shop ni Seller.⤵️⤵️
šShop link:
šSeller link:
Mahilig ka rin ba mag shop? This is it!! Don't miss this exciting discounts and promos.š„°
The best offers and codes from online marketplaces and stores, all in one place.š¤©
šShop link: