Umusok na naman sa inis ang showbiz columnist at certified Kakampink na si Ogie Diaz sa dating news anchor na si Jay Sonza. Hindi mapigilan...
Umusok na naman sa inis ang showbiz columnist at certified Kakampink na si Ogie Diaz sa dating news anchor na si Jay Sonza.
Hindi mapigilan ni Ogie na mapareak kay Jay Sonza matapos nitong patutsadahan si presidential candidate at Vice President Leni Robredo, sa napabalitang sumakay ito sa isang bangka nang magtungo ito sa Zamboanga, para sa nakatakdang People’s Rally ng Leni-Kiko tandem.
Batay sa naging Facebook post ni Sonza ay sakay umano si ‘Leonor’ (VP Leni) ng isang yate, nag-speed boat, at nang nasa Basilan na ay nakabangka na lamang.
“Umalis mula Zamboanga ang grupo ng naka-Yate at speed boat. Pagdaong sa Basilan naging bangka iyong mga sinakyan.
Namamalik-mata ba ako o bigla lang akong nasalamangka?,” aniya, kalakip ang litratong ibinahagi sa social media ni Jervis Manahan, ABS-CBN reporter.
“Dati-rati sa Luzon, umalis ng bahay ng naka-kotse, Dumating rally ng nakahabal-habal (motorcycle) na nakatsinelas
at walang suot na helmet iyong nagmaneho ng motor.”
“Iba ka talaga Maria.”
“Bukod tangi ka nga.”
“BP na, magician pa.”
Hindi naman ito pinalagpas ni Diaz, na hindi na bago ang pakikipagpatutsadahan kay Sonza.
“NAIBA NA ANG TINGIN TALAGA NI JAY SONZA. ANG TAGAL NA NIYANG HINDI NAGPAPA-CHECK UP NG MATA. SAMA MO NA PATI UTAK. NABUBULAGAN NA. KAWAWA NAMAN,” ayon sa showbiz columnist.