--> Bayaran? Binayaran? Ogie Diaz, Inamin sa Publiko ang mga Natanggap at Binigyan sila ng Ganito ng kampo ni VP Robredo.... | ChikaTime

Bayaran? Binayaran? Ogie Diaz, Inamin sa Publiko ang mga Natanggap at Binigyan sila ng Ganito ng kampo ni VP Robredo....

  Bayaran nga ba? Binayaran nga ba ang mga artista sa mga campaign? Iyan ang mga katanungan ng maraming netizens. Ngayong papalapit na ang h...

 


Bayaran nga ba? Binayaran nga ba ang mga artista sa mga campaign?

Iyan ang mga katanungan ng maraming netizens.

Ngayong papalapit na ang halalan ay painit na painit na ang mga 1syu na naglalabasan ngayon sa social media.



Maging ang mga celebrities ay iba’t ibang mga kandidato ang sinusuportahan.

Gaya ng ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz,makikitang sinusuportahan niya ang kandidatura ni VP Leni Robredo bilang Presidente.

Binabayaran nga ba si Ogie? Magkano kaya ang ibinayad ng kampo ni VP Robredo sa mga celebrities?

Sinagot ni Ogie Diaz ang mga katanungang iyan sa publiko.


Deretsahang tinanggi ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na nakatanggap siya ng bayad kapalit ng pagbibigay niya ng suporta sa kandidatura ni presidential bet Vice President Leni Robredo.

Sa naging campaign rally ni Robredo sa Iloilo ay makikitang dumalo si Ogie Diaz.

Sa kanyang pagdalo sa campaign rally ni Robredo sa Iloilo bilang host ay sinabi ni Ogie na walang hakutan na nangyari sa nasabing pagtitipon.

Maliban pa ditto ay sinabi rin nito na walang ibinayad sa kanya ang kampo ni Robredo para pumunta siya sa nasabing rally at pinakain lamang daw sila.

Kaya nandito ho kami ngayon, wala ho kaming bayad. Pinakain lang kami, Binigyan lang kami ng ganito (baller) ng t-shirt at siyempre, yung kasiyahan at kaligayahan ng puso namin na mapaglingkuran, at mapakita kay VP Leni Robredo na kaisa niya kami sa lahat ng kanyang naisin,” kuwento ni Ogie.


“Nakakatuwa! Alam mo dito sa Iloilo City hindi bawal ang drone. ‘Di ba? May drone tayo diyan. Hindi bawal ang drone. “

“Dahil kahit saan pumunta ang drone, Diyos ko po. Hindi mahulugang karayom ang mga tao. Ganito kainit ang pagtanggap ng Iloilo kay Presidente Leni Robredo. Nakakaloka!” dagdag niya pa.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na batikusin si Ogie at sinabi ng ilan na i-boycott nila ang vlog ng talent manager.

Sari-saring komento naman ng ilang netizens ang ibinat0 nila kay Ogie Diaz.

Ngunit ayon kay Ogie ay walang problema sa kanya kung i-unfollow siya ng mga netizens.


“I-boycott daw ang YouTube channel at FB ko, dahil #kakampink daw ako. Gow! Hahaha! Gusto ko, happy kayo!” ani Ogie



Ikaw,sino ba ang sinusuportahan mong kandidato? Huwag mag atubiling magbigay ng iyong opinyon.