Sari-saring mga pambabatik0s ang natanggap ni Toni Gonzaga matapos ang kanyang desisyon na suportahan ang kandidatura sa pagka Presidente ni...
Sari-saring mga pambabatik0s ang natanggap ni Toni Gonzaga matapos ang kanyang desisyon na suportahan ang kandidatura sa pagka Presidente ni Bong Bong Marcos.
Maging ang ilang mga celebrities ay naging dismayado rin sa desisyong ito ni Toni Gonzaga nasuportahan ang UniTeam.
Hindi nakapagtimpi ang ilang ABS-CBN workers matapos i-host ng Kapamilya star na si Toni Gonzaga ang proclamation rally ni dating. Sen. Bongbong Marcos .
Maliban dito ay ang pagsuporta ng aktres sa kandidatong lumaban sa prangkisa ng Channel 2.
Isa na rito si Dawn Chang ang naglabas ng saloobin sa ginawa ni Toni Gonzaga.
"I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga,"
"Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya? As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya."
Marami pa sa mga kapamilya fans ang bumatik0s kay Toni Gonzaga.
Dahil sa mga salitang binabat0 kay Toni ay hindi na rin napigilan ni Alex Gonzaga na ipagtanggol ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga mula sa pambabatikos na natanggap nito sa mga netizens dahil sa kanyang paniniwala sa politika.
Batay sa naging panayam sa actress, sinabi ni Alex na naniniwala siya na handa ang kapatid niya mula sa mga pambabatikos na matatanggap niya.
Ibinahagi din ni Alex na sa kanilang pamilya ay nirerespeto nila ang desisyon ng bawat isa pagdating sa politika.
“Sa family, iba-iba ng political stand but my daddy would always say na, ‘Your political stand is your right but mas importante is family than anything, any issue’. So we support each other, we know our stand.” saad ni Alex.
Hindi rin daw nila matanong si Toni kung ano ang nararamdaman niya ngayong inuulan siya ng batikos sa pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos.
Nakaranas na rin daw ng mapait na karanasan si Toni noong bata siya kaya naniniwala si Alex na kakayanin ito ng kanyang kapatid.
“Knowing my sister, I know she’s a strong person and I know na hindi siya dadalhin ni Lord doon nang hindi siya ready. My sister was bashed even before nung bata pa. She was bullied preschool pa lang hanggang sa pag-aartista niya. During that time, I think she was so equipped and so ready for that.” kwento pa ni Alex.
“Pag pinagagalitan siya ng daddy ko, sinasabi ng daddy ko, ‘Hindi ka magre-react?’ Matapang talaga ang ate ko as a person kaya nga sabi ko siguro nga talagang she was really born for this kasi kaya niya.” dagdag pa niya.
Hanggang ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Toni sa kanyang natatanggap na pambabatikos mula sa mag netizen.
Ang ilan pa sa mga bashers ay nagsasabi na ibo-boycott nila si Toni at ang kanyang mga programa.