Matapos magviral ang naging patutsada ni Mura sa kilalang vlogger na si Virgelyn ay nagbigay naman ng pahayag ang vlogger na si Virgelyn. Hi...
Matapos magviral ang naging patutsada ni Mura sa kilalang vlogger na si Virgelyn ay nagbigay naman ng pahayag ang vlogger na si Virgelyn.
Hindi matanggap ni Virgelyn ang mga salitang binitiwan ni Mura laban sa kanya kaya naman ay hindi na niya napigilan ang sarili na magsalita.
Bumwelta ang vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang Virgelyncares 2.0 sa dating komedyante na si Allan Padua o mas kilala bilang ‘Mura’ matapos siyang akusahan nito ng pangagamit.
Sa naging live video ni Mura, sinabi ni Mura na malaki ang naging pakinabang ni Rodriguez sa kanya dahil sa ilang video ang nagawa nito ng kasama siya.
Matatandaan na milyon milyong views ang nakuha ni Rodriguez sa mga vlog niya kasama si Mura kung saan ay makikita na madalas tulungan ng vlogger ang dating komedyante.
Maliban pa dito ay tinulungan din noon ni Rodriguez si Mura sa kanyang pagpapagamot.
Ngunit ayon kay Mura ay ‘tabla’ lamang sila ni Rodriguez dahil kumita rin naman ito gamit siya.
Marami ang nagulat nang sabihin ni Mura ang mga bagay na ito.
“Natural naman ‘yun na magbigay siya. Vlogger siya eh. Papaano nga naman lalaki ‘yung kanyang viewers, yung kanyang subscribers kung ‘di siya pumunta sa amin? ‘Di ba, doon siya kumita nang sobra-sobra,” sabi ni Mura sa live video niya sa kanyang sarili ng Youtube channel.
“Kung natulungan ako ni Virgelyn, mas natulungan ko rin siya. So parehas lang. Tabla na kaming dalawa. Wala na po kaming pakialaman ngayon,” dagdag niya pa.
Ayon sa vlogger ay hindi naman niya hiniling na pasalamatan siya ni Mura ngunit sana’y hindi ito maging mapagmataas.
“Kumusta ka Mura? Sana ‘yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob. Hindi ko sinasabing pasalamatan mo ako, hindi ko rin hinihingi kanino man na tinutulungan ko. Ang akin lang, kahit sa iba mo nalang gawin ‘yun.” ani Rodriguez.
“Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa ‘yun, nasabi. Siguro dahil live lang. Minsan kasi pag-live kasi tayo, lumilipad kasi yung isip natin. Lagi mong tatandaan kahit maliit man o kaunti ang bunga ng iyong mani, maliit man iyong natanggap na biyaya, matuto pa rin tayong magpasalamat at wag tayong manunumbat sa mga taong umaangat na,” dagdag niya pa.
Sinabi pa nito na sikat na daw siya bago niya pa itampok si Mura sa kanyang vlog.
“Bago kita nai-vlog, marami na akong napa-viral na video. Magmula doon sa anak-araw, kay Alexander, kay Jenny, kay Klara at yung Nanay na gumagapang sa tubuhan na di makalakad iniwan ng asawa.”
“Marami pa, yung bata na nangunguha ng kahoy, walang kamay, walang paa, ang dami kung napa-viral, yung may bukol sa ulo. Marami na akong napa-viral. Kung titingnan mo milyon-milyon react ‘yun.”
“Bawas-bawasan natin Mura ‘yung medyo pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao. Hindi ko lang matanggap yung sinabi mong quits tayo. Ni minsan hindi kita sinumbatan.”
Panoorin ang video: