Muling Agaw atensyon sa social media ang pambansang kamao na si Senator Manny Pacquiao. Sa isang Presidential One-On-One interviews with Boy...
Muling Agaw atensyon sa social media ang pambansang kamao na si Senator Manny Pacquiao.
Sa isang Presidential One-On-One interviews with Boy Abunda ay inilatag ni Pacquiao ang kanyang plano sa ekonomiya ng bansa kung sakali man na palarin siya na ihalal ng mga Pilipino bilang susunod na presidente.
Ikinuwento ni Sen.Pacquiao ang kanyang mga hangarin at gagawing estilo kung sakaling siya na ang maging Presidente ng Pilipinas.
Dito ay hindi napigilang mapaluha si Senator Manny Pacquiao nang mapag-usapan nila ni Boy Abunda ang tungkol sa mga kababayang Pilipino na naghihirap.
Ang plano ko talaga sa bansa natin na ang trabaho ang maghanap ng tao, hindi ang tao ang maghanap ng trabaho para hindi na sila pumunta pa sa abroad, para ’wag na iwan ang pamilya nila,” ani Pacquiao.
“Sinisigaw ko sa national [government] natin ’yung P50,000. So talagang itataas natin ’yan. Kasabay ng pagtaas ng sahod natin, palakasin din ang ekonomiya natin,” dagdag niya pa.
Naging aminado si Pacquiao na pagdating sa mga mahihirap, talagang emosyonal siya.
“Kaya hindi ko maalis sa sarili ko na emosyonal ako masyado sa mga mahihirap dahil dumanas kami sa hirap... “
“'Yan yung desire ko, yung puso ko, Gusto kong tulungan ang ating bansa, tulungan ang mga mahihirap na tao dahil dumanas ako ng walang pagkain sa isang araw."
Aniya, patuloy pa rin siyang magbibigay ng pabahay sa mga mahihirap at lalo na ang pagbibigay umano sa mga ito ng hanapbuhay.
Narito ang pinakaabangan na interview:
Anong masasabi mo kaugnay sa interview na ito ni Boy Abunda? Pabor ka ba sa mga adhikain ni Senador Pacquiao?