Pinag pyestahan ngayon sa social media ang bagong kasal na sina Tom Rodriguez at Carla Abella matapos nilang in-unfollow ang isat-isa sa ins...
Pinag pyestahan ngayon sa social media ang bagong kasal na sina Tom Rodriguez at Carla Abella matapos nilang in-unfollow ang isat-isa sa instagram.
Pinaghihinalaan ng maraming netizens na tila hiwalay na ang dalawa dahil sa mga kakaibang napansin ng publiko.
Nagsimula ang mga espekulasyon sa kanilang hiwalayan matapos i-unfollow ng mag-asawa ang kanilang Instagram account ngunit kalaunan ay naka-follow na ulit sila sa isa’t-isa.
Maliban dito ay maraming marites din ang nakapansin na maging ang kanilang wedding photos ay burado na rin.
Itinuturong dahilan umano ay ang pagseselos ng aktres sa isang kapwa aktres na malapit ngayon sa kanyang mister.
Lalo pang tumindi ang haka-haka matapos magpost ng isang cryptic video si Tom sa kanyang IG account.
Hiwalay na nga ba sina Carla at Tom? Anong masasabi mo dito?
Dasal naman ng kanilang mga fans na sana’y karaniwan lang ang namamagitang problema sa dalawa.