--> Friends no More ?? Rita Avila,Di mapigilang Mainis at Bumanat pa kay Boy Abunda dahil sa kaganapang ito... | ChikaTime

Friends no More ?? Rita Avila,Di mapigilang Mainis at Bumanat pa kay Boy Abunda dahil sa kaganapang ito...

Friends no more na nga ba? Talagang naging laman sa social media ang naging post ng aktres na si Rita Avila tungkol kay Boy Abunda. Sa post ...



Friends no more na nga ba? Talagang naging laman sa social media ang naging post ng aktres na si Rita Avila tungkol kay Boy Abunda.

Sa post niyang ito ay ating makikita na tila hindi maganda ang sinabing ito ni Rita sa kanyang kaibigan na si Boy Abunda.

Ito ay kaugnay sa ginawang Presidential Interview kay VP Leni Robredo ni Boy Abunda.

Dahil dito ay naglabas ng kanyang prankang saloobin ang beteranang actress na si Rita Avila dahil sa ginawa ni Boy Abunda sa Presidential Interview nito kay VP Leni Robredo. 




 Makikita sa kanyang post sa instagram ang ibinahagi niya ang screenshot ng isang netizen na tinawag na bastos si Abunda dahil sa nasabing interview. 

Ayon kay Avila, mataas raw ang tingin niya kay Abunda kaya niya ito pinagtatanggol ngunit sa nasabing interview ay tila ayaw raw nitong pasagutin si VP Leni. "WHY?!!! Parang ayaw mo na pasagutin. 

Parang ayaw mo sha mag-expound.Ang sad Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo," sabi ni Avila 





 Maliban kay Rit ay marami ring netizens ang naglabas ng kanilang mga saloobin kaugnay sa umanoy  pag-interupt ni Abunda sa nasabing interview kay VP Leni.



Anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito? Huwag mag atubiling magbigay ng komento sa usaping ito.