Marami sa mga tagahanga ni Julius Babao ang nalungkot nang malaman na aalis na sa Kapamilya network ang batikang news anchor. Ito ay kinump...
Marami sa mga tagahanga ni Julius Babao ang nalungkot nang malaman na aalis na sa Kapamilya network ang batikang news anchor.
Ito ay kinumpirma mismo ni Julius Babao ang kanyang paglisan sa ABS-CBN matapos ang 28 na taon na pagiging Kapamilya.
Sa kanyang pahayag sa TV Patrol, pinasalamatan niya lahat ng Kapamilya na kanyang nakasalamuha sa loob ng halos tatlong dekada.
"Hindi po ito pamamaalam kundi isang pagpapahayag ng pasasalamat. Sa lahat ng aking naging kapamilya, at sa loob ng 28 taon, dito na po ako lumaki sa ABS-CBN, kung inyong mapapansin napakapayat ko pa noon.”saad nito
“Nagkaroon ng magandang karera, nakilala ang aking magandang asawa at nagkaroon ng pagkakataong makatulong sa maraming mamamayan. Hindi ko na masyadong iisa-isahin mga kapamilya, sasabihin ko nalang po sa inyo dito, sasabihin ko na lang na dito sa ABS-CBN, natupad ang mga pangarap ko sa buhay." dagdag sabi
Pinasalamatan din niya ang kanyang mga naging boss sa ABS-CBN na nirespeto naman ang desisyon ni Julius at walang ibang hangad kundi ang patuloy na pagtamasa nito ng tagumpay.
Ang batikang news anchor ay tuluyan nang nagpaalam sa ABS-CBN na sinasabing lilipat umano sa News 5.
Naging matunog ang kanyang paglipat at siya umano ang papalit kay Raffy Tulfo sa progama nitong Frontline Pilipinas.
Reaksyon ng ilang Netizens: